Secret Nights - 17

316K 3.7K 294
                                    

Sampung minuto pa lang yata kami ni Zeke sa need painting session namin ay nakaramdam na ako ng pangangawit. Gusto ko sanang mag change position pero hindi naman pwede at baka kung ano ang maging kalabasan ko sa painting. Kaya tiniis kong nakapatong ang ulo ko sa isang kamay ko na nakatukod naman sa kama.

Nakikita kong seryoso si Zeke sa ginagawa niya. Naroong kumunot ang noo niya at minsan naman ay nagsasalita siyang mag-isa.

“Okay ka lang?” tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa 'kin pero mabilis ding nag-iwas ng tingin at pagkatapos ay frustrated na binitawan ang paint brush. Napaupo ako sa kama nang wala sa oras dahil sa ginawa niya.

“I can’t do this… I mean not now. I’m not mentally prepared for this, Amber,” sabi ni Zeke sa frustrated na tinig.

Hinati ko sa likod ang mahaba kong buhok at saka ginawang pantakip sa dibdib ko dahil feeling ko ay iyon ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Zeke sa 'kin ng matagal.

“Zeke, pwede ka nang tumingin.”

Dahan-dahang tumingin nga ulit siya sa 'kin and I smiled when I saw the relief on his face. “You know what? I have a better idea,” mayamaya ay sabi ni Zeke.

“Siguruhin mo lang mas better 'yan kesa sa nude painting, Zeke,” tumatawang sabi ko. Nakita kong binuksan niya ang cabinet na nasa kaliwa niya at saka may inilabas na camera at patungan na kulay itim na hindi ko alam ang pangalan.

“Aside from painting, mahilig rin ako sa photography. So yeah, I’ll be taking pictures of you instead. Do you like that?” tanong ni Zeke.

“Just the way uh-huh, uh-huh, I like it!” napapangiting hinawi ko ang buhok ko at saka itinaas sa ere ang dalawa kong kamay. “I’m ready,” nakabungisngis na sabi ko.

Nahawa na rin si Zeke sa kabaliwan at ilang saglit pa ay nasa likod na siya ng camera. Kung anu-anong pose ang pinaggagawa ko. Kahit hindi ako turuan ni Zeke ay kusa akong nag a-act sa harap ng camera. Ginagaya ko 'yong mga nakikita ko sa magazine. Langya, puro magazine! Palibhasa bihirang makapanood ng TV!

After ilang shots ay ipinakita sa 'kin ni Zeke ang mga kuha niya. Napapangiti ako kasi ang ganda ko kahit kita ang boobs ko. Pang-FHM!

“Zeke, anong tawag diyan sa camera mo?”

Inalis niya ang mata sa camera at tumitig sa 'kin. “This is a DSLR. Bakit?”

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon