Secret Nights - 41

212K 2.9K 428
  • Dedicated kay OP's nina Amber, Zach at Zeke ^_^
                                    

ZEKE'S POV


            May mga bagay pala talaga sa mundo na kahit gustuhin mo, hinding-hindi mapapasayo. Na kahit gumawa ka pa ng napakaraming mabubuting bagay, wala pa ring katiyakan na mapapasayo ang mga bagay na inaasam mo.




            Simula nang magka-isip ako, isang bagay lang hiniling ko. I wanted to be happy. Well, sino nga ba naman sa atin ang ayaw maging masaya, 'di ba? Kaya nga habang lumalaki ako, naging masunuring anak ako, mapagmahal na kuya at mabuting mamamayan.




            Pero minsan, kahit pala puro kabutihan ang ipakita natin sa ibang tao, may pagkakataon pa ring magagawa tayong saktan ng mga taong nakapaligid sa atin.




            Parang ako sa pamilya ko. Sa pagnanais kong maging mabuting anak, lagi kong sinusunod ang sinasabi ng mga magulang ko to the point na naisasaalang-alang ko na yung sarili kong kaligayahan.




            I was in college when I realized that I'm not happy being good anymore. Hindi ako masaya sa kursong kinuha ko, hindi ako masaya sa buhay ko, hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin. Masyadong natuon ang isip ko sa kagustuhan kong mapaluguran ang mga magulang ko.




            Umabot pa sa puntong tinalikuran ko ang nag-iisang babaeng siyang nagbibigay sa 'kin ng lakas at inpirasyon na ituloy ang buhay. I could say that choosing my parents over Lian was the greatest mistake in my life. Kung naging matapang siguro akong ipaglaban siya noon, my life could have been different. Pero hindi, eh. Masyado ko yatang sinanay ang sarili kong maging mabait hanggang sa makalimutan ko na rin kung paano ba maging matapang.




            Hanggang sa nararamdaman ko na lang na unti-unti na akong nawawalan ng ganang mabuhay. It was like I'm actually breathing, but not totally living. Parang patay na buhay.




            And now, it seems like I'm going to die again — literally and figuratively.




            I'm sick. Brain tumor daw sabi ng mag-asawang nag-alaga sa 'kin. Noong una ay ayaw kong tanggapin ang balitang iyon. Parang impossible. Wala naman akong nararamdaman sa katawan ko. Oo, hindi pa nagbabalik lahat ng lakas ko dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko... but I feel totally fine.




            Pero sabi ng matandang mag-asawa, maaring nakuha ko raw 'yon dahil sa matinding pagkakabagok ng ulo. They even said na isa sa pinakamalubhang naapektuhan ay ang ulo ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon