Secret Nights - 04

442K 4.2K 512
                                    


Present....



Nagpatuloy ang ginagawa namin ni Zach na walang nakakaalam. At aaminin kong nae-enjoy ko ang kung ano mang mayroon kami ngayon. Ours was the perfect relationship. Friends with benefits. No pressure. No strings attached. Just fun.



Isang gabi, habang naghahapunan ang buong mag-anak ni tita Soledad ay kinausap niya ako habang nasa isang sulok lang ako ng kusina at naghihintay na tawagin ako ng kahit sino sa kanila kung may iuutos sila. Ganoon lagi ang role ko kapag oras ng kainan. Hindi ako sasabay sa kanila kasi hihintayin ko muna silang matapos. At kung ano lang ang matira sa akin, 'yon ang kakainin ko.



"Amber, nagpasya kami ng tito Carlos mo na huwag ka nang pasalihin sa JS Prom tutal ay dagdag gastos lang 'yan. Dumito ka na lang sa bahay," sabi ni tita Soledad.



Nakaramdama ako ng paghihimagsik ng loob dahil noong isang araw lang ay nakita kong may dalang dalawang gown si tita Soledad na alam kong susuotin ng kambal.



"Kinapos ang sahod ng tito Carlos mo kaya wala kaming pambayad sa registration mo. At kung mababayaran man 'yon, wala ka ring isusuot dahil dalawang gown lang ang nahiram ko kay mareng Ekang," dagdag pa ni tita Soledad.



"Ayos lang po, tita. Ako na po ang bahala sa pambayad sa registration at sa isusuot ko," sabi ko na diretso ang tingin sa sala. Ayokong tumingin kahit sino sa kanila dahil naiimbyerna lang ako.



"Aba'y may pera ka?" Medyo malakas ang boses ng tita nang itanong iyon. "Amber, magsabi ka nga ng totoo, ikaw ba ay nangungupit sa amin na mag-asawa? Nitong mga nakaraang linggo ay madalas kaming mawalan ng pera nitong si Carlos ko. Ikaw lang naman ang pumapasok sa kwarto namin para maglinis. Magsabi ka ng totoo!"



Kahit na inis na inis ako dahil halatang nag iimbento lang ng kwento si tita Soledad ay pinilit ko pa ring magpakahinahon kahit na totoo ay gustong-gusto ko nang mag walk-out.



"Tita, hindi po. Hindi po ako nangungupit."



"Kung ganoon ay saan ka kukuha ng pera na pambayad mo sa JS niyo, aber?"



Mabilis na nag-isip ako ng pwede kong gawing alibi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may ipon ako sa bangko. Besides, wala akong balak na bawasan 'yon dahil nangako ako sa sarili ko na ilalaan ko lang 'yon para sa pagpunta ko sa Maynila.



"Papahiramin po ako ni Loisa ng gown, tita. At 'yong sa registration fee naman po, matagal ko na pong napag-ipunan 'yon. Iyong binibigay niyo pong baon araw-araw, lagi po akong nagtatabi."

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon