Secret Nights - 16

320K 3.5K 487
                                    

Quarter to seven pa lang ay nakahanda na ako. Simpleng maong shorts at t-shirt na may print ng cartoon character na si Micky Mouse lang ang suot ko. Nakatsinelas lang ako sa paa at hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Bago ako lumabas ng room ay pinaliguan niya pa ako ng pabango niya saka ako kinantiyawan ng, "Go girl!"

Paglabas ko ay bahagya akong nakahinga nang makita kong casual lang din ang suot ni Zeke. Naka gray na t-shirt at maong shorts lang siya. Mukhang pareho kaming mga walang baong damit. Pero siya, kahit simpleng damit lang ang suot niya, halata mo pa ring may kaya siya sa buhay.

"Hi," bati niya sa 'kin nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa apartelle na tinutuluyan niya. Habang naglalakad kami ay hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil nararamdaman kong sadyang sinasagi ni Zeke ang kamay niya sa kamay ko. Pero hindi niya naman tuluyang hinahawakan.

Seryoso? May ganitong kagwapong lalaki na torpe?

Kaya nang minsang dumikit pa ang kamay niya sa kamay ko ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya. I clasped my hand against his. Napatingin siya sa 'kin dahil sa ginawa ko pero hindi nagsalita kundi ngumiti lang.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang ayaw na niya iyong bitawan.

Pagdating namin sa tinutuluyan niya ay napa-Wow ako nang makita ko ang arrangement ng table na nasa isang sulok ng maliit na room na 'yon. It was just small pero puno ng mararangyang gamit ang loob ng apartelle. May plasma TV sa gitna ng maliit na sala kung saan may tatlong tila malalambot na sofa.

Ilang hakbang naman mula sa sala ay ang elevated kitchen na madalas kong makita sa glossy papers ng magazines na nakatambak sa kwarto ni Tita Soledad.

"Nice," komento ko nang makitang mukhang pinaghandaan talaga ni Zeke ang gabing 'to. May dalawang plato sa magkabilang dulo ng mesa at sa gitna naman ay may wine na nakababad sa ice bucket na maraming yelo.

"Thank you," sabi niya habang pinaghihila ako ng upuan. Nang nakaupo na 'ko ay mabilis na inihain niya ang mga pagkaing niluto niya. Natakam ako nang ilapag niya sa mesa ang adobong baboy at fried chicken. "Sorry, dalawang ulam lang naluto ko. Bukod sa kinulang ako sa time, wala rin akong masyadong makitang ingredients sa wet market," hinging paumanhin ni Zeke nang sa wakas ay nakaupo na rin siya sa tapat ko.

"It's okay. Saka dalawa lang naman tayong kakain kaya okay na 'to," sabi ko.

At nagsimula na kaming kumain. Asikasong-asikaso ako ni Zeke that night na kulang na lang ay pati pagsasandok ng kanin ay gawin niya para sa 'kin.

Nang matapos kaming kumain ay saglit na nagkatitigan kami. Then, he suddenly smile. Ang cute ng smile niyang 'yon. "I remember, may binili pala akong cake kanina," aniya at saka tumayo para pumunta sa ref na nasa likuran niya. Tinignan ko lang siya habang nag i-slice ng cake para sa aming dalawa na nilagay niya sa magkahiwalay na platito.

"Bakit  nga pala kayo nandito ni Loisa sa VSU?" mayamaya ay tanong ni Zeke.

"Wala lang," sagot ko naman. "Ikaw?"

"I came here para mag-isip," sagot ni Zeke at saglit na tumitig sa 'kin pagkatapos ay itinaas ang isang kamay papunta sa gilid ng bibig ko at pinahid ang icing na kumalat sa bibig ko. Nagulat pa ako nang sa halip na ipunas sa table napkin ay diretsong sinubo ni Zeke ang daliri niya. "Sarap," aniyang tumatawa. Nakitawa rin ako sa ginawa niya.

Kaya naman sinadsadya kong may icing na kumalat sa gilid ng bibig ko. At lagi ay pinapahid ni Zeke ang icing na 'yon gamit ang daliri niya at saka walang arteng kinakain. At nang siya naman ang may icing na kumalat sa bibig ay ibang way ang naisip ko... siyempre kailangan may originality ako.

Nagulat siya nang tumayo ako at lumapit sa kanya. "What?" nagtatakang tanong niya na parang matatawa.

"May icing ka sa gilid ng bibig mo," I said before licking the icing at the tip of his luscious lips.

Napahagalpak ako ng tawa nang makita kong parang na-shock siya sa ginawa ko. At hindi nagtagal ay nahawa na rin siya sa pagtawa ko at nakita kong tumayo siya at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at saka madamdaming tumitig sa mata ko. I can get lost in your eyes forever, Zeke. And perhaps I won't mind getting lost.

"Can I dance with you?" halos pabulong na tanong niya sa 'kin.

Kinikilig na napatango ako. "Sure sure," halos atat na sabi ko.

Then, mula sa bulsa niya ay hinila niya ang puting earphones na nakakabit sa celphone niya. Inilagay niya ang isa sa tenga ko at ang isa pa ay sa sarili naman niyang tenga. Ilang saglit na namili siya ng kanta sa playlist ng phone niya at nang makapili ay tumingin siya sa 'kin habang ibinabalik ang celphone sa bulsa niya.

Mayamaya ay narinig ko ang malamyos na tinig ng isang lalaki habang inilalagay ni Zeke ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman kong humawak siya sa bewang ko at mayamaya pa ay sumasayaw na kami kasabay ng kantang naririnig namin sa earphone na nakakabit sa mga tenga namin.

Halos dikit-dikit ang katawan namin dahil hindi naman gaanong mahaba ang cord ng earphone niya. But it's fine with me. In fact, I'm enjoying this moment seems to be the most romantic gesture a guy has ever done with me.

Matatapos na ang kanta nang unti-unti ay bumaba ang mukha ni Zeke papunta sa mukha ko. Hindi ko ipinikit ang mata ko because I want to see his face while kissing me. And this time, hindi na ako nabigo kagaya kanina sa pool. Naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Zeke sa labi ko and started kissing me na walang pagmamadali.

I opened my mouth para mas lalo kong ma-accommodate ang halik na 'yon. Zeke, just like Zach was a good kisser. Kasabay ng pagkatapos ng kanta ay pinaghiwalay rin ni Zeke ang mga labi namin since we need to breath. Pero matapos lang ang ilang segundo ay ako na mismo ang humalik sa kanya. This time ay mas mapaghanap na ang halik na pinagsasaluhan namin. But unlike Zach, Zeke's hands are not the wandering type. Naka-steady lang 'yon sa bewang ko at manaka-nakang pumipisil. Maybe he's not yet ready to do it with me.

Kaya nang maghiwalay ulit ang labi namin ay may-sinuggest ako sa kanya. "You're into painting, right?"

Tumango siya sa akin habang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.

"Paint me," sabi kong tinatanggal ang earphone sa tenga ko at saka inabot sa kanya.

"Are you sure?" siyempre tumango ako. "Sige, kukunin ko lang ang mga ko sa kwarto," he said pero mabilis na nahawakan ko siya sa kamay. "Let's do it in your room."

At ako pa mismo ang humila sa kanya papunta sa nag-iisang pinto ng apartelle na sigurado ako na siyang pinaka-kwarto. Pagpasok namin ay nakita ko agad ang karaniwang pinapatungan ng canvass ng mga painter. Inalis ni Zeke ang kasalukuyan niyang pini-paint at pinalitan ng bago.

Ako naman ay pumunta sa may kama at hinubad ko ang mga damit ko. Tawa ko nang tawa nang makita ko ang reaksiyon ni Zeke nang makita niyang underwear na lang ang suot ko.

"What are you doing?" sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok nang abutin ko ang hook ng bra ko sa likod.

"I want you to draw me naked," nakangiting sabi ko habang si Zeke naman ay napapailing. "Don't tell me you haven't done this before?"

"I did pero matagal na panahon na. At sa klase pa namin 'yon."

"Then what's the difference? Isipin mo na lang na nasa klase rin tayo ngayon."

Nang akmang huhubarin ko rin ang panty ko ay pinigilan niya ako. "That's enough, Amber," aniyang hindi makatingin sa 'kin. Hindi na ako nagpumilit na hubarin ang panty ko. Pinahiga niya 'ko sa kama na nalalatagan ng puting bedsheet at nagsimula na siyang i-paint ang buong ako...

 __________

PLEASE DO WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon