Secret Nights - 40

206K 3.2K 297
                                    

ZACH'S POV

  


After the third round of our mind boggling sex, hinihingal na ibinagsak ko ang pawisan kong sarili sa tabi ni Amber. Tumagilid ako para mapagmasdan ko ang maganda niyang mukha.

 Nagtama ang mga mata namin at nakita kong malungkot na ngumiti siya sa 'kin. Sunod na naramdaman ko ay itinaas niya ang isa niyang kamay at saka marahang humaplos sa mukha ko.




 "Thank you. Thank you for all the memories we had. Thank you for—"




 Pinutol ko ang ano pa mang sasabihin niya sa pamamagitan ng isang maalab na halik. "Stop saying that like this is gonna be the last time that we're gonna see each other, Amber."




 Tumayo siya at isa-isang dinampot ang nagkalat niyang mga damit. "Seryoso ako nang sabihin kong ito na ang huli nating pagkikita, Zach," aniya habang isa-isang isinusuot ang mga damit niya. "At kung hindi kita mapapakiusapang lumayo, ako na ang kusang lalayo."

 Sa puntong 'yon ay tumayo na ako at saka malungkot na tumingin sa kanya. Hindi ko alintana kahit wala akong suot ni isang saplot sa katawan. Gusto kong tumatak sa isip niya na nang talikuran niya ako, wala akong ibang bitbit kundi sarili ko lang. Kasi pati puso ko, nagawa na niyang tangayin.




 "Can I at least know the reason why you're doing this, Amber?"




"Hindi mo na kailangang malaman ang rason, Zach," sagot niya bago tinungo ang pinto.

 Pero bago niya mapihit nang tuluyan ang seradura ay nagawa kong pigilan ang kamay niya. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. "Masaya ka ba sa gagawin mong 'to? Ito ba talaga ang gusto mong mangyari sa kwento nating dalawa?"




 Hindi siya sumagot. Sa halip ay nag-iwas siya ng tingin at saka tuloy-tuloy nang lumabas sa pinto ng unit ko.




 Naiwan akong magulo ang isip. Umupo ako sa gilid ng kama ko at wala sa sariling napahawak sa baba ko. Sa isip ko ay naglalaro ang napakaraming tanong.




Kung pagaganahin ko ang instinct ko bilang isang lalaki, masasabi kong okay naman na kami ni Amber. Pero bigla-bigla ay lumayo na naman ang loob niya sa akin? Alam kong may malalim na rason kung bakit ngayon ay umaakto siya na tila ba balewala lang ako sa kanya.

 And that's what I'm going to find out. Hindi ko siya basta-bastang isusuko nang hindi man lang lumalaban.




Mabilis na naligo ako at saka pinakiramdaman ang kabilang kwarto kung saan alam kong naroon pa rin si Amber.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon