Secret Nights - 18

318K 3.6K 394
                                    

“Halika na sa loob at may ipapakilala ako sa 'yo,” mayamaya ay sabi ni Zach. Hinila niya ako sa isang kamay papunta sa may dining area. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang isang may edad na babae at lalaki na masayang kumakain. At hindi mahirapang hulaan na sila ang mga magulang ni Zach. Kung ganoon ay dumating na pala ang parents ni Zach.

“Mom, dad…” salita ni Zach para maagaw ang atensiyon ng dalawa. Unang nag-angat ng mukha ang mommy ni Zach na sosyal na sosyal ang dating dahil sa suot na damit at mga alahas. Nang mag-angat naman ang daddy ni Zach ay nakita ko ang pagkakahawig nilang dalawa.

“Zach, hijo, mabuti naman at gising ka na. Halika at saluhan mo kaming kumain ng daddy mo,” sabi ng mommy ni Zach. “By the way, sino ang kasama mo?” nakangiti ito pero halata ring pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naramdaman kong hinawakan ni Zach ang isang kamay ko at marahang pinisil. Hindi man ako kasingtalino ng classmate namin na running for Valedictorian, na-sense ko na agad ang gagawin ni Zach. Kaya bago pa man siya makapagsalita ng hindi tama ay inunahan ko na siya.

Buong giliw na ngumiti ako sa mag-asawa. “Magandang umaga po, Maa’am at Sir. Ako nga po pala si Amber. Magkaklase kami nitong si Zach at parang mag bestfriends rin po. Sa ngayon ay dito po ako sa inyo nakikitira at parang nangangatulong na rin po kasi pinalayas po ako ng mga kamag-anak ko. Pasensiya na po kung hindi po agad nasabi ni Zach sa inyo na may bago na po kayong katulong dito sa bahay niyo po,” masayang sabi ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Pasimpleng binawi ko ang kamay ko na hawak ni Zach.

Hindi pwedeng makahalata ang mga magulang ni Zach na may namamagitan sa amin ng anak nila. Dahil kapag nagkataon ay sigurado akong mapapaalis ako sa bahay nila nang wala sa oras. Kailangan ko pa ng matitirhan sa loob ng ilang linggo hanggang sa makuha ko ang report card at mga mahahalagang papel na gagamitin ko sa pagbabagong buhay ko sa Maynila.

“You’re too pretty to be a maid, hija,” komento ng daddy ni Zach na mukha namang mabait.

Pero ang mommy ni Zach ay mukhang hindi gaanong convince sa acting ko. “Noong nakaraang araw pa kami dumating from New Zealand, bakit ngayon lang yata kita nakita?”

Patay! Ano ngayon ang sasabihin ko?

Nag-iisip pa lang ako ng isasagot ko nang bigla namang may nagsalita sa likod namin ni Zach na halatang kakapasok lang sa kusina.

“Amber was with me, Mom. Isinama ko siya sa Visca since I need someone to attend to my needs,” sabi ng boses-lalaki na alam ko kung sino ang nagmamay-ari.

Nanigas yata ang likod ko dahil sa sobrang tension na nararamdaman ko ngayon. Could it be that…

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon