Secret Nights - 13

359K 3.5K 157
                                    

Naggising ako dahil sa bahagyang pagyugyog ni Loisa sa balikat ko. Hindi ko namalayang napasarap na pala ang tulog ko.

“We’re here!” masayang anunsiyo niya nang magmulat ako ng mata. Kinusut-kusot pa ang mga mata ko at saka ako sumunod kay Loisa pababa ng van. Nag-iinat ako ng kamay nang makita ko ang view na nasa harap ko.

Nakatayo kami sa gitna ng matataas na puno at sa bandang unahan ay kitang-kita ko ang payapang dagat. Weird kasi walang kaalon-alon ang dagat.

Nagpasalamat si Loisa driver at hinila ako papunta sa kaliwang direksiyon. “Dapat ay sasakay pa tayo ng multicab kaya lang chinika-chika ko si manong driver kanina at nalaman kong dito rin pala talaga ang destinasyon kasi may susunduin daw siya mayamaya. So, ang ending isinabay na tayo ni manong hanggang dito sa loob ng campus,” pagkukwento ni Loisa na hindi ko naman masyadong naintindihan dahil medyo tulog pa ang diwa ko.

Namalayan ko na lang nasa loob na kami ng isang karinderya na thirty-five pesos ang bawat order. Combo meal na 'yon, may ulam at kanin na. Pagkatapos umorder ay bumalik na si Loisa sa pwesto namin. “Ako na umorder para sa 'yo kasi mukhang wala ka pa sa katinuan mo,” sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang bigla namang isang lalaki ang pumasok sa karinderya at dire-diretsong lumapit sa amin at saka humalik kay Loisa sa labi. Bagama’t nagulat ay hindi ko iyon ipinahalata nang ipakilala kami ni Loisa sa isa’t isa.

“Amber, this is Justin, boyfriend ko. Babe meet my friend, Amber.”

Tinanggap ko ang pakikipagkamay ng boyfriend ni Loisa. At hindi na ako nagtaka pa nang makiupo siya sa amin. He asked me some questions para siguro hindi ako mailing sa kanya bagay na sinagot ko naman. Natigil lang ang chikahan namin nang dumating ang mga inorder na pagkain ni Loisa.

At dahil siguro matagal na hindi nagkita ay parang biglang nagkaroon ng sariling mundo sina Loisa at Justin. Panay ang subuan nila at paminsan minsan ay ninanakawan ni Justin ng halik ang kaibigan ko. Sa halip na mainggit ay itinuon ko na lang ang mata ko sa iba.

Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang isang lalaking mag-isang kumakain. Naka-side view siya sa 'kin kaya kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya. At ganun na lang ang ngiti ko nang bigla siyang lumingon paharap sa 'kin. Naramdaman siguro ng lalaki na may nagmamasid sa kanya.

Saglit na nagtama ang mga mata namin ng lalaking may earphones na nakakabit sa tainga. At napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Gwapo ang lalaking nakaupo sa kabilang pabilog na mesa. Abot hanggang balikat ang itim na itim niyang buhok na nililipad ng pang-umagang hangin. He has prominent cheekbones, straight long nose and beautiful brown eyes.

Sa saglit na pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko ang pagkibot ng mapupula niyang labi na parang ang sarap-sarap halikan. Pupusta akong mabango ang hininga niya kahit bagong kain pa siya.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon