PBTYML-67

9.4K 204 19
                                    

~Linda's POV~

Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse habang binabagtas namin ang daan patungo sa sinasabi nilang Black War Zone.

Wala akong idea sa pangalan ng lugar nayan, ang inaala kulang ay doon dinala ang mga anak ko. (Abigail and Samuel)

Hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko, gumugulo ang utak ko, iba-iba ang nasa isipan ko ngayon.

Unang-una si Hanson, pangalawa ang mga anak ko, nawawala sila pareho, pangatlo yung panaginip ko kanina, panaginip na nangyayri sa nakaraan, panaginip na totoong nangyayri sa nakaraan ko.

Sina Abigail at Samuel nakiddap habang sina Anthonette at Keven ay nawawala?.

Sinong ina ang hindi mababaliw sa sitwasyon nato? na alam mong nasa panganib ang mga anak mo? Sinong ina ang hindi mag-alala sa sitwasyon ko ngayon?

Kasi ako?

Sobra, sobrang nag-aalala na ako sa kanila.

Kunti nalang mababaliw na ako sa mga sunod-sunod na nangyayri ngayon sa buhay ko, sa buhay namin.

Sina Anthonette at Keven ay hindi namin mahanap-hanap kanina pa, magagabi na at hindi parin namin nahanap, pero hinahanap na sila ni kuya Ken ngayon at pinapangako niya sa akin na mahanap niya ang mga anak ko.

Kani-kanina lang ay nakataggap ng mensahe si Carlo sa cellphone niya, pinapunta kami sa lugar kung saan dinala ng mga sira-ulong nagdukot sa mga anak ko.

Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa nilalaro ang kamay ko, pinigilan ko siya kanina dahil nailing parin ako sa kanya, pero hindi ito nakinig sa akin at patuloy paring pinaglalaru-an ang kamay ko, hinalik-halikan niya pa ito minsan, inis na inis ako kanina pero ang tigas ng ulo niya ayaw niyang makinig kaya hinayaan kunalang siya.

Huminga ako ng malalim dahil naalala kuna naman ang napanaginipan ko kani-kanina lang, at pakiramdam ko ay parte iyon ng nakaraan ko.

Napanaginipan ko yung sumayaw ako sa isang lugar na patay sindi ang ilaw.

Sumasayaw ako don at ang tanging kaharap kulang ay si Carlo, pagkatapos non ay biglang nag-iba ang lugar na nasa panaginip ko, tapos non ay napunta kami sa is ang kwarto habang naghahalikan, muntik kupa ngang matulkasan ang mga lahat pangyayaring yun, buti nalang ay nagising kaagad pero ang panaginip nayon ay parang nagkatotoo, dahil pagising ko may humahalik na sa labi ko, isang pamiyar na halik na hinahanap-hanap ko.

"are you okay?"nagulat naman ako sa tanong niya.

Agad naman siyang nagpanic at sunod-sunod ang paghalik niya sa likod ng palad ko at hinawakan pa ako sa balikat.

"I'm sorry, I'm sorry nagulat ata kita, I'm sorry"paulit-ulit niyang sambit sa akin habang paulit-ulit ding hinalik-halikan ang likod ng palad ko na hawak-hwak parin nito,  hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa balikat ko at unti-unti yung tinanggal.

"a-ayos lang"hindi ko alam kung bakit ako nauutal, baka naiilang lang ako.

"malapit na tayo, are you really sure na sasama ka? baka nagbago yang isipan mo? masyadong dilikado para sayo, lalo nat ikaw ang kailangan niya, ipapahatid kita kay..."

Umiyas muna ako ng tingin sa kanya bago ako nagsalita.

"napag-usapan na natin to kanina Carlo, Ayoko na pag-usapan pa, bou na ang desesyon ko"napag-usapan na namin yun kanina at nagkasagutan pa kami pero siya ang unang sumuko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa mukha niya, pinagdikit niya ang noo naming dalawa, hindi ako nakakibo sa ginawa niya dahil sa gulat.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon