PBTYML-43

11.3K 243 5
                                    

~Hanna's POV~

"What's going on here?"napatingin kaming tatlo sa pintuan, nandon si Carlo na nagtatakang tumingin sa amin.

Kakatapos lang naming mag-usap nina kuya Jhoe at kuya Jhon nagakalinawan na kaming tatlo.

Pinahid ko ang luha ko.

"Pwede na kayong lumabas"sabi ko kina kuya, agad naman silang lumabas, hawak ko ang malaking tyan habang naglalakad patungo sa pintuan, nandon parin si Carlo na nagtataka parin na tumingin sa akin.

"answer me woman"seryosong tanong niya, ngumiti lang ako habang palapit sa kanya at sinalubong ako ng halik sa labi, agad naman akong tumugon sa halik niya at saka ngumiti sa kanya.

"tell me! anong pinag-usapan niyo? bakit ka umiiyak?may problema ba?"ngumiti ulit ako at umiling at saka naglakad patungo sa kama

"saan ka galing?"pag-iiba ko ng topic, ayokong magkwento sa kanya, dahil sa ayokong magalit siya.

Inalalayan niya ako patungo sa kama at doon ako umopo sa kama namin.

"work problem, nothing else"sagot niya na parang pagod.

"bakit di ka umuwi kagabi?"tanong ko pa sa kanya, tumingin lang siya sakin na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay nagtungo siya sa bathroom.

Huminga ako ng malalim, ilang araw na siyang ganyan, minsan kapag may tanong ako hindi niya sasagutin kahit simpling tanong ko.

Bakit di niya sinasagot ang tanong ko? may secreto din ba siya?

Yumuko naman ako para matingnan ang tyan ko, ngumiti ako ng tipid at hinawakan ito at hinimas-himas ko.

"mga anak, naririnig niyo ba ako?"tumulo ang luha ko na agad kung pinunasan.

"ilang araw nalang ang nabibilang lalabas na kayo, at ilang araw nalang nalalabi ang mga oras na magkasama tayo"pinunasan ko ulit ang luha ko.

"tandaan niyo ang sasabihin ko sa inyo mga anak, kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, nandito palang kayo sa tommy ko, mahal na mahal kuna kayo, pasensya na kayo mga anak sadyang ganito na ang kapalaran ng mommy niyo, masilayan kulang kayo kahit sandali ayos na ako, pasensya na hindi ko kayo masilayan at maalagaan hanggang sa paglaki niyo, sana balang araw maintindihan niyo ako sa gagawin ko, ayoko mang iwan kayo pero kailangan, tatanggapin nalang natin ang kapalaran"napakagat ako ng labi at pinipigilang humikbi pero sadyang hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Lumabas si Carlo sa banyo na nakabihis na, dali dali itong lumapit sa akin.

"fvck Hanna, why are you crying again? Ano ba talaga ang problema?"galit niyang tanong sa akin, umiling iling ako at yumuko.

"Hanna, why don't you tell me what your problem is? para naman alam ko kung ano ang problema mo?"mahinahong tanong niya sa akin.

'Dahil ayokong iwan ka, ayokong iwan kayo ng mga anak ko, pero kailangan'mga katagang gusto kung sabihin sa kanya pero hindi pwede, alam kung pipigilan niya ako sa gagawin ko sa oras na manganak ako, alam kung hindi siya papayag na iwan siya, dahil alam kung mahal niya ako, at alam kung hindi niya ako hahayaang mapunta ulit kay Harold, pero wala siyang magagawa dahil kapag nanatili pa ako kay Carlo at kung mananatili pa ako dito pagkatapos kung manganak ay ang mga magulang ko naman ang mapapahamak at ayokong mangyari yun, pinipili ko ang mga magulang ko, kesa sarili kung asawa at mga anak.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now