PBTYML-65

9.5K 211 17
                                    

~Third Person~

Isang suntok.

Dalawang suntok.

Tatlong suntok.

Apat na suntok.

Limang suntok ang pinakawalan ni Harold kay Hanson.

"Hayop ka talaga kahit kailan Smith, tama na"galit na sigaw ng kapatid ni Hanson na si Henson.

Kasalukuyan naka tali ang mga kamay ni Henson at nakakulong sa kwartong bakal, kasama sina butler Jhoe at Aiko na nakatali din ang kamay may mga pasa sila aa mukha, may daplis sa braso si Aiko.

"Tumahimik ka Parker"galit na sigaw ni Harold habang patuloy na pinagsusuntok si Hanson.

"Matagal na kitang pinatay Jake, bakit kapa nabuhay? "galit na sinuntok ulit ni Harold si Hanson, ngumisi si Hanson kay Harold at bumangon mula sa pagkaupo sa sahig dahil sa lakas ng suntok ni Harold sa kanya.

"sa tingin mo ba mapapatay mo ako ng ganun ganun nalang Smith? nagkakamali ka"nakangising salita ni Hanson kahit hirap na hirap na, hindi niya pinahalatang nasasaktan sa mga suntok na ginawad ni Harold sa kanya.

Galit kinwelyuhan ni Harold si Hanson na nanatiling naka ngisi kay Harold.

"akin siya Hanson, she's mine alone, where is she? Saan mo siya tinago? isuli mo sa akin ang mahal ko"galit na sigaw ni Harold kay Hanson sabay suntok ulit, pagak na napatawa si Hanson sa narinig, na mas lalong kinagalit ni Harold.

"narinig mo ba ang pinagsasabi mo Smith? mahal mo? bakit mahal kaba niya? alam nating lahat na ako lang ang mahal ni Hanna, hindi kapa talaga nagbabago hanggang ngayon Smith, baliw kapa rin, baliw"natatawang sagot ni Hanson.

"Fvck you, I'm not crazy"

"Ughhh"daeg ni Hanson ng sinuntok siya ni Harold napahiga ulit si Hanson sa sahig.

"Baliw"pagak na tumawa si Hanson sa kanya, yung tawang nang-iinsulto.


"Son, enough mapapatay muna siya, hindi pa niya oras, siya ang alas natin para makuha natin si Hanna mula kay Fernando siya ang alas natin upang makaganti tayo kay Fernando at kapag nangyayari yun mapapasayo na si Hanna"awat ni Arnold sa anak.

Napakuyom ng kamao si Hanson.

"di pa tayo tapos Hanson, mamaya nalang kita papatayin, papatayin kita ulit sa harap ni Hanna, papatayin ko kasabay ang hampas lupang si Fernando, papatayin ko lahat ng hahadlang sa amin ni Hanna, isasama ko ang kambal, I swear"galit pero nakangising salita ni Harold sa kanila.

"Dalhin niyo yan sa loob, kasama anf mga hampas lupang kasamahan niya, make sure hindi sila makatakas"sigaw ni sa mga tauhan niya na agad sinunod.

"Yes bossing"sabay-sabay na sagot ng mga tauhan nito.

"Fvck you Smith"galit na sigaw ni Aiko.

"Pag-nakatakas ako dito papatayin kita Harold"galit din na sigaw ni Henson at lumapit sa kapatid na nakapikit.

Tahimik lang si butler Jhoe habang palihim niyang kinuha ang nakatagong maliit na patalim, unti-unti niyang hiniwa ang lubid na nasa likod niya na nakatali sa kamay.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now