PBTYML-58

9.5K 227 13
                                    

~Linda's POV~

Unti-unti akong bumangon mula sa pagkahiga, pinunasan ko ang mga luhang lumaladas sa aking mga mata gamit ng kumot na nasa katawan ko, kanina pa ako umiiyak habang tulog.

Nanaginip na naman ako, isang panaginip na akala koy hindi totoo, na akala koy isang panaginip lang ulit.

Ngayon kulang narealize na ang lahat ng napanaginipan ko ay parte lahat ng nangyayari sa nakaraan ko.

"Sino kaba talaga sa buhay ko Harold?Bakit palage nalang kitang napanaginipan?"kuyom ang kamao ko sa pinagsasabi ko, kusa itong kumuwala sa bibig ko.

Galit ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang taong yun.

"Sino-sino kayo sa buhay ko?"maraming eksina akong napanaginipan, mga panaginip na nangyayari sa nakaraan ko.

"Carlo?"sambit ko habang inaalala ko ang napanaginipan ko, paulit-ulit kung binabanggit ang pangalan nayon.

".....Wife"naririnig ko ang boses niya hanggang sa isip ko.

Siya kaya ang tinutukoy ni Yam na asawa ko na isang Mafia Lord?

Pero bakit di ko maaninag ang mukha niya? Hindi ko ma wari kung ano ang itsura ng asawa ko?

Pero kahit sabihin man sa akin ni Hanson na may asawa na ako, hindi ko maiwasang sa kanya parin bumilis ang tibok ng puso ko, kahit sabihin ni Hanson na kasal na ako sa iba ay siya parin ang mahal ko, hanggang ngayon.

Huminga ako ng malalim at nilibot ang paningin ko sa paligid.

Napaisip naman ako at napahawak sa ulo ko.

Familiar sa akin ang kwartomg ito.

Nahagip ng mga mata ko malaking litratong naka paskil sa pader ng kwartomg ito.

Unti-unti akong bumaba ng kama habang nakatitig sa litrato ko?

Naka sout ako ng isang magandang gown na kulay red, may dala-dala akong maraming rosas habang malaki ang ngiti ko sa litratong ito.

Unti-unti kung naalala ang eksenang yun.

Napangiti naman ako ng maalala ko ang araw nayon.

"Naalala ko na ang araw na ito, yun yung araw na first anniversary namin ni Yam at 18th birthday ko din sa araw nayon, kaya malaki ang ngiti ko sa litratong yan, kahit ika labingtatlo kung naka sayaw si Hanson noon na nakamaskara, kahit hindi si Hanson ang huling nakasayaw ko sa Deb ko at mayasaya ako sa araw nayon, kahit patago lang ang relasyon namin noon ni Yam.

Hinawakan ko ang litratong naka paskil sa pader at ngumiti.

"Naala kuna ang araw nato"nakangiting salita ko.

Nalala kuna rin ang kwartong ito, walang pinagbago ang ganda parin ng kwarto ko, kulay lila parin ang pader at kulay rosas naman ang ceiling  at block and white ang tiles ng kwarto ko alam kung ibang iba itong kwarto ko kesa itsura ng mansion na ito, walang nagbabago sa kwarto ko pero napansin kung maraming nakasabit na pictures ko sa pader at sa study table ko.

Pumunta ako sa table at kinuha ang isang picture frame.

Napangiti naman ako.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now