PBTYML-22

16.3K 321 4
                                    

Hanna Rosalinda's POV

Pinasyal ako ni Carlo sa buong bahay niya kanina at sobrang ganda ng buong bahay niya kasama namin sa pamamasyal si butler Jhon at Dr.Aiko, dumating kasi ito kanina ng kumaen kami at nakisabay pa siyang kumaen,  pinatikim kupa sa kanya ang apple ko na sinawsaw sa paborito kung sauce na palagi kung ginawa. Di naman ito nakatanggi sa gusto ko dahil ang sabi niya mahirap tanggihan ang isang buntis kaya kahit labag sa loob niya ay kinaen ni Dr.Aiko ang apple na sinawsaw sa sauce. Di ko nakalimutan ang istura niya habang kumaen.

Napahagikhik ako ng palihim ng maalala ko ang itsura ni Dr.Aiko kanina nong kumaen kami.

"What's funny lady Hanna?"nakasimangot parin si Dr.Aiko hanggang ngayon halatang di pa naka-move on.

"nothing naalala kulang yung pangit mong mukha habang kumaen ng apple na sinawsaw sa sauce na recipe ko"nakangisi kung sagot sa kanya kaya mas lalo siyang sumimangot.

Kasaluyang naglakad kami ngayon sa malagubat na bakuran ng mansion ni Carlo kakalabas lang namin ng mala-golden gate ng mansion, kasama kulang si butler Jhon at Dr.Aiko dahil may kakausapin daw si Carlo, ewan ko sa lalaking yun, nagmamadali pa siya parang sabik na sabik makipag-usap sa taong kakausapin niya.

Napanganga ako ng tuluyan na kaming makalabas kami sa mala-golden-gate, hawak hawak ako sa kamay ni Dr.Aiko dahil baka madulas daw ako baka mapatay pa daw siya ni Carlo, tss nanantsing lang tong Dr.Aiko na to.

"Ang gara naman dito"bulalas ko, may nakita ko pa na may ilang mga tao na naglilinis sa ilalim ng mga puno, at napahanga ako dahil sobrang linis dito halatang inaalagaan ng mabuti.

22 years na akong nabuhay sa mundo pero ngayon lang ako namangha ng ganito dahil sa nakita sa nakapaligid sa mansion para kang nasa gubat ang kaso lang ay puro mga prutas ang nakatanim dito, parang inarange at sinadyang itanim ang mga halaman dito, iba kasi ang tanim ng mangga, tambis, guyabano, rambutan, star apple, atis,, lansoness saging, coconut tree at..."Omygod Dr.Aiko"sigaw ko at nanggigilid ang mga luha ko sa huling nakita na prutas.

Natataranta naman ang dalawa parang di mapakali.

"Lady Hanna anong problema?"halos sabay sabay nilang tanong sa akin, tinuro ko ang huling prutas na nakita ko, isa sana ito sa mga prutas na ayoko pero ng makita ko ang mga nagdidilawan na mga papaya, para kasing gusto kung kainin.

Di ko alam kung bakit ako umiyak ngayon, di ko alam kung ano nanamang kaartehan na naramdaman ko, ang alam kulang ngayon ay gusto kung kaenin ang papaya na nasa puno ng papaya.

"Papaya?...fvck lady Hanna why are you crying?..."natataranta parin ito, di na natuloy ang pagmumura ni Dr.Aiko dahil pinutol kuna kaagad yun, si butler Jhon naman over acting din dahil di niya alam ang gagawin niya ng umiyak ako.

"I want to eat that papaya huhu ang sarap kasi nila kaenin"iyak ko, nagkatinginan naman si Dr.Aiko at si butler Jhon, di makapaniwalang tumingin ng sabay sabay sa akin.

•••

Kumakaen akong papaya habang nagpatuloy sa paglalakad, malawak na ngayon ang ngiti ko dahil ngayon kulang nalaman na masarap pala talaga ang papaya.

Tinawag kasi ni Dr.Aiko ang mga naglilinis sa mga puno at pinakuha at pinabalatan ang papaya at hinawa hiwa pa, kaya kumakaen ako ngayon.

Nakita ko na may maraming bahay dito colorful din ito medyo malayo-layo sa mansion isa itong village, maraming bahay at tanging ang mansion lang ang pinakamalaki dito, ang ganda talaga dito.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now