PBTYML-25

15.3K 311 2
                                    

Hanna Rosalinda's POV

Bumangon ako mula sa pagka-higa at inaalala ang nangyari kahapon.

Tumingin ako sa orasan na nasa table malapit sa kama na hinihigaan ko.

Friday - 7:18am-

Agad kung hinawakan ang tyan kung medyo umumbok na at hinimas himas ito habang nakatingin sa kawalan.

Napakagat labi ako upang pigilan na naman yung luha ko dahil parang iiyak na namn ako.

"sorry Yam, sorry"salita ko sa kawalan.

Nakita ko kasi yung nakangiti niyang mukha bago ako nagising.

"bakit nangyari sa atin to? Pero ako naman talaga ang may kasalanan noon pa, sana pinigilan kunalang tong naramdaman ko noon, di ka sana papatayin ni Harold di ka sana  nawala at namatay, sana pinigilan kunalang ang totoong naramdaman ko noon para sayo, di sana  mangyayari to"kahit anong pigil ko na wag tumulo ang luha ko, pero wala akong nagawa dahil kusa na itong lumabas sa mga mata ko.

Agad ko itong pinunasan.

"sorry..."tumigil ako sa pagsasalita at tumingin sa tyan ko sabay himas.

"maintindihan muna man ako diba? sorry kung naligaw ako ng landas Yam, gusto kulang takasan si Harold, gusto kulang sabihin sayo na..."ngumiti ako at hinimas ulit ang tyan ko.

"naligaw man ako ng landas, hindi naman ako nagsisi na dumating ito"pinunasan ko ang luha ko at ngumiti.

"sana maintindihan mo Yam, sad 73rd monthsary sa atin at the same time 10th death monthsary, sorry di ako nakadalaw sayo ngayon"huminga ako ng malalim."sana maintindihan mo ang sitwasyon ko"salita kupa.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"tapos naba ang drama mo lady Hanna?"napatingin ako sa nagsalita at napakunot ang noo.

Boses palang hilaw na tsk.

Tumaas ang kilay ko at tiningnan siya mula ulo hangang paa.

Ganun din siya sakin tinaasan niya din ako ng kilay.

Tumawa naman ako, yung tawang nang iinsulto.

"bakit yan ang sout mo? para kang basahan"sabay tawa ko, sumimangot naman ang hilaw at inirapan ako.

Naka sout kasi siya ng pang maid, para siyang tanga kung titingnan dahil di bagay sa kanya ang sout na ganyan, halatang di sanay.

"kung mang insulto kalang sakin wag kanalang tumingin sa akin, pagod pa ako kahapon pa, magpahinga ka muna dyan kung nagugutom ka tawagin munalang ako"walang gana niyang sabi sabay talikod sa akin, may dala dala itong walis at nag walis malapit lang sa cr.

Tumawa ulit ako.

"hindi bagay sayo Juanang hilaw pero infairness ang sipag mo ngayon"inis niya akong tinapunan ng tingin tumawa lang ulit ako, yung tawang nang-aasar.

Hindi naman siya umimik at nagpatuloy lang ito sa pag wawalis, salubong ang kilay at inis na inis.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng Juanang hilaw nato, bakit siya naglilinis? bakit siya naka-sout ng ganya?

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now