Unti-unting pumatak ang mga luha niya. Alam niyang nasasaktan din ang kanyang ina ng mga sandaling iyon. Dalawang araw na rin mula ng malaman niya mula sa kanyang ina na alam na nito ang totoong nangyari sa kanya. Iyak ng iyak ang kanyang ina, niyakap na lang niya ito at sinabing magiging okay din ang lahat.

"I love you too, mommy." Niyakap niya ang kanyang ina.

Mas mahigpit siyang niyakap ng kanyang ina. Feeling her moms embrace makes her feel warm. Wari bang isa siyang bata ng mga sandaling iyon. Lalo siyang napaiyak. Humagulhul siya habang yakap-yakap ng ina. She feels warm, safe and comfortable with her moms embrace. She can feel home.

Natigilan lang sila ng kanyang ina ng may kumatok at nagsalita mula sa labas ng pinto ang isang katulong ng ina.

"Ma'am Marie, may bisita po kayo sa baba."

"Pakisabing pababa na ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina.

"Sige po, Ma'am." Narinig niya ang paalis na yapag ng katulong.

"Si Cole na po iyon, Mom." Tumayo siya at lumapit sa salamin. Sinipat niya ang mukha. Nagkalat ang nilagay niyang mascara at mukhang kailangan niyang mag-retouch.

"Sigurado ka bang lalabas ka kasama si Cole?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

Lumingon siya sa ina at ngumiti. "Yes, Mom. Si Cole po iyon. Best friend ko at alam kung safe ako kapag kasama siya."

"Kung ganoon ay pumapayag na akong lumabas ka kasama siya pero sa isang condition."

Muli siyang napatingin sa ina. Salubong ang kilay niyang nagtanong. "Ano po iyon?"

"Tell Kurt you are going out with Cole today. Kailangan alam ng fiancé mo na lalabas ka kasama ng ibang lalaki."

"Mom.."

"That's my only condition, Marie." Seryusong sabi ng kanyang ina.

Napabuntong hininga siya. May magagawa pa ba siya. "Fine." Kinuha niya ang phone sa bag at tinext si Kurt tungkol sa paglabas niya kasama si Cole.

Nakita niyang ngumiti ang kanyang ina. Hanggang ngayon ay nais pa rin ng kanyang ina na ikasal sila ni Kurt kahit pa nga nagdesisyon na sila ni Kurt na hintayin kung kailan siya handa. Alam niyang nais na ng kanyang ina na magpakasal siya kay Kurt para iwasan ang bulungan ng mga tao ngunit anong magagawa niya. Ayaw niyang pumasok sa buhay may asawa kung hindi naman siya sigurado. Ayaw niyang gumawa ng isang bagay na pagsisihan niya lang sa huli. Marriage is not the solution to her problem.

"That's better. I leave you now." Lumabas ng kwarto niya ang ina at naiwan siyang may bahid ng disappointment.

Hindi naman niya kasi nobyo si Kurt ngunit kailangan niyang sabihin dito lahat kahit iyong paglabas niya ng bahay, kahit simpleng lakad lang sa may park ay kailangan niyang ibalita sa binata.

Lalabas na sana siya ng kwarto ng magtext si Kurt.

'Saan kayo pupunta ni Lincoln?'

Napasimangot siya sa tanong nito. Kailangan ba na malaman nito kung saan sila pupunta ni Cole? Hindi siya nag-reply dito. Lumabas siya at nakita niya si Cole na nakaupo sa mahabang sofa at nakatingin sa paligid. Lumapit siya sa kaibigan. Maliit ang kanyang tiyan kaya hindi masyadong halatang buntis siya. Akala nga ng iba ay bigla siyang nagkainterest sa malalaking damit kaya daw siya ganoon. Nagugulat nalang ang mga ito kapag sinabi niyang buntis siya. Ganoon din kasi magbuntis si Mommy noon. Maliit talaga ang tiyan nito. Sabi nga ni Mommy pagdating ng kabuwanan niya parang kasing laki lang ng lobo ang tiyan niya. Natawa na lang siya sa sinabi ng ina.

"Hello," bati niya kay Cole.

Napatingin sa kanya ang kaibigan at ngumiti. Agad naman itong tumayo at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Nagulat man siya sa ginawa ng kaibigan ay binaliwala na lang niya.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now