"Gusto ko kayong makita, kaya lang hindi pa ako handa"mahinang salita ko sa litrato.

Kamukhang kamukha sila ni Anthonette at Samuel, sila seguro ang sinasabi ni Yam na sina Abigail at Keven, hindi ko lubos akalaen na apat ang naging anak ko.

"Kapag handa na ako, haharapin ko kayo, huwag lang sa ngayon mga anak, hindi pa ako handang harapin ang ama niyo"mahinang salita ko sa litrato.

Binalik ko sa table ang frame at saka ko naala na si Keven lang pala ang hindi ko nakikita dahil nasa amin pala si Abigail.

Ngayon kulang narealize na nandito pala ako sa mansion ng mommy at daddy ko.

Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Hanson kanina sa kotse na dito niya ako dadalhin.

Nilibot kuna lang ulit ang paningin ko sa loob ng kwarto ko.

Namimiss ko ang lahat ng ito.

Iniisa-isa kung tiningnan ang litrato ko at napangiti.

Lahat ng memories ko sa kwartong ito ay unti-unti kunang naalala.

Napangisi ako ng may naalala ako.

Agad akong pumunta sa walk in closet at agad kung pinindot ang button na nakatago sa mga luma kung mga dress at gown, may cover pa akong nilagay dito kulay lila, para hindi mahalata ng daddy ko noon.


Pinindot ko ang red button at saka bumukas ang isang pintuan at isa isang bumababa at humuhulma ang hagdan pababa.

Napangiti naman ako, sobrang namiss ko ang hide-out ko.

Pumasok ako ng tuluyan sa closet at bahagyang sinara ang pintuan ng walk in closet at tuluyan na akong bumaba sa maliit na hagdan patungo sa hide-out ko.

Napangiti ulit ako, matagal na akong hindi nakapunta sa lugar nato, at kahit matagal na akong wala dito ay malinis parin ang lugar nato.

Maraming sekreto ang hide-out nato at tanging si mommy Roxanne lang ang nakakaalam sa lugar nato at si kuya Jhon, may maliit din na pintuan palabas ng mansion, para makatakas ako kay daddy noon, kapag gumagala kasi ako sa mall at kung saan saan ay minsan hindi ako papayagan ng daddy ko kaya doon ako dadaan para makagala ako, buwan buwan ako tatakas kapag sumapit ang monthsarry namin ni Hanson, tatakas ako at doon ako sa maliit na pintuan lalabas para makipagdate kay Hanson noon.

Walang kaalam-alam si daddy sa pinagagawa kung pagtakas noon.

Napatawa naman ako sa ala-alang yun.

Binaling ko ang tingin sa isang kwarto at agad ko yung binuksan.

Tumambad sa akin ang mga ibat-ibang kagamitan na nakalagay sa lamesa, dito ako magtetraining ng palihim, kapag galit sa akin si daddy noon ay dito ako dederetso upang magpalipas ng inis at galit.

Huminga ako ng malalim.

Hinawakan ko ang mga kagamitan dito sa loob ng kwarto, nakakamiss silang gamitin, may mga baril din ako na nakatago sa isang box, may mga ibat ibang patalim na nakadisplay sa lamesa at mga devices, mga hearing device, tracker at iba pa.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora