13

5.5K 132 3
                                    

MAAGA akong gumising dahil inasaikaso ko si Stacey na papasok sa eskuwela.

I'm a hands-on mother. Wala kaming kasambahay dahil gusto kong ako mismo ang mag-aalaga sa anak ko

Pareho na kaming nakabihis nang bumaba kami ng hagdan.

"Anak anong gusto mong breakfast?"

"Fried rice and sunnyside up egg!"

"Okay! Fried rice and sunnyside up coming right u-" napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa loob ng kusina ko.

"Breakfast is ready!"

"Titoooooo!" sigaw ng anak ko na agad sinungaban ng yakap ang lalaki

"Goodmorning princess. Maayos ba ang tulog mo?"

"Opo. I dreamed about a unicorn that is running in the rainbow. It is so beautiful!" kwento nito at kakikitaan mo ng kinang ang mga nito.

"Wow! That's a very cute dream princess. Go on. Kain ka na para makapasok ka na sa school"

Agad naman itong sinununod ng aking anak at nagsimula ng kumain.

Dumako naman ang mga mata ng lalaki sa akin. Ngayon ko lang napansin ang kayumangi nitong mga mata na nilulunod ka at para bang ito'y nangugusap.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang perpektong panga, mapupulang labi na dalawang beses ko nang natikman, ang kanyang matipunong dibdib na tinatakpan ngayon ng isang puting long sleeves.

Kahit papano naman pala ay may maipagyayabang ang isang 'to.

"Done checking me out?"

"Huh?"

Mahina itong tumawa sabay hapit sa aking bewang at pinatakan ng halik ang aking noo.

"Goodmorning, Darling ko" napakunot ang anking noo dahil sa sinabi nito

"Darling ko?"

"Yup. Endearment. Ang sweet ko diba?"

"Manliligaw palang pero may endearment na"

"Advance kasi ako mag-isip. Sa sobrang advance nga kasal na tayo sa isip ko eh."

"Ang corny mo!" pang-aasar ko dito

Mataman nya akong tinitigan bago nya pinatakan ng halik ang aking ilong.

"Pero mahal ka" nangilabot ako sa intensidad ng boses nito.

Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga

"I love you" bulong nito na syang naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Cassandra?" napabaling ako ngayon sa tumawag sa aking ngalan na ngayon ay prenteng nakaupo habang may ngisi sa kanyang labi.

"Huh?"

"Kain ka na"

___

"THE wheels on the bus go round and round~"

Napangiti ako habang tinitingnan sa reaview mirror ang anak ko. Busyng busy ito habang nag-lalaro sa kanyang tablet.

Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa kotse ni Trevor. Ang sabi nito ay ihahatid daw nya kami.

Pinilit ko itong mag convoy na kang kami ngunit makulit ito. Kaya pinagbigyan ko na lang.

NANG makarating kami sa school ay nag-ayos na si Stacey, pero humalik muna ito sa pisngi ko maging kay Trevor.

"Thank you po sa paghatid mommy at sayo din po Tito Trev"

"Your welcome princess. Mag-aral ng mabuti and always listen to your teachers" saad naman nito.

"Anak behave ka dun ah. Wag kang makikipag-away. Kapag may nangaway sayo, ano ang gagawin?

"Ignore them and isumbong sila kay teacher" hindi ko mapigilan ang kurutin ang pisngi nito dahil sa ka-cutan.

"Ang cute cute mo talaga anak. Mang mana ka sa akin"

"Syempre po! Mommy kita eh" may pagmamalaki sa boses nito.

"That's my girl. Sige na. Pasok ka na at baka malate ka pa. Mamaya susu duin kita. Don't talk to strangers okay?" muling paalala ko dito

"Yes mommy. I love you po"

"As I love you"

Bumaba na ito ng sasakyan at pumasok na sa gate ng school. Hindi kami umalis hanggat hindi pa ito nakakapasok.

"So, si mommy naman ang ihahatid natin" tawag ni Trev sa pansin ko

Napailing ako habang mahinang tumatawa.

"Pasaway ka talaga"

His Runaway WifeWhere stories live. Discover now