4

9.5K 215 1
                                    


UNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung may masakit ba sa akin. Nang masigurado kong okay naman ako agad na akong bumaba at para malaman ko kung may nasagasaan ba ako.

Nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatalikod ito sa akin at halatang chinecheck ang ayos ng sasakyan nya. Sh*t naguiguilty ako.

"Sorry po sa nangyari. Magbabayad na lang po ako ng damages" unti-unti ay humarap ito sa akin. Sh*t bakit ang pogi ng lalaking 'to pero syempre mas pogi si Ace.

"Oh no need miss beautiful. Okay lang naman yung sasakyan ko." hindi ko na nakayanan tumawa na ako ng malakas. Sya man ay hindi na rin nakapigil.

"Ayoko na Troy laptrip ka may pa-'miss beautiful, miss beautiful' ka pang nalalaman" niyakap naman ako nito ng biglaan

"I miss you cous" mas hinigpitan nito ang yakap at syempre ganon din ako

"Syempre ako rin namiss ko 'tong pinsan kong bakla" yeah you read it right bakla po ang taong ito. And he/she is my cousin. "Grabe bakla hindi bagay sayo maging lalaki"

"Syempre isa akong dyosa!--wait nga lang mabalik nga tayo" hala baka malaman nya "so what's the problem my dear cousin" napabuntong hininga na lamang ako. Wala talaga akong kawala sa taong 'to.

PUMUNTA kami sa isang coffee shop at doon ko kinuwento lahat. Lahat lahat.

"Cous what if balik ka na lang sa Canada. Alam mo naman na mas madali ang buhay mo dun diba?"

"Oo alam ko yun. Pero hindi ko na kayang iwan ulit ang asawa ko. Hindi ko na kaya"

"Pero kung ganyan naman ang trato nya sayo---"

"Cous sige. May usapan din kasi kami ni Ace na after a month dapat wala na ako sa bahay. At 2weeks na lang ang natitira sa akin"

"Alam mo kung pusong lalaki lang ako mamahalin kita"

"Kahit maging pusong lalaki ka. Malas ka parin kasi pinsan mo ako"

"Oo nga no" napatingin sya sa akin

"Teka hindi ko gusto yang tingin mo ah. Umayos ka"

"Bakla what if magpanggap tayo"

"Ano namang gagawin natin"

"Dibe sabi mo 2 weeks ka na rin lang dito diba? Ang gawin natin magpanggap tayo na parang may affair tayo chuchu tapos tingnan natin kung ano magiging reaction ni Ace ano gora ka ba?"

"Not a nice plan"

"Grabe ka naman. Di mo ba alam na napaka-ganda ng plano ko."

"Eh cous hindi nga ako pinapansin ng asawa ko eh diba? "

"Yun na nga bakla eh. Dun natin malalaman kung may nararamdaman pa sayo yung asawa mo eh. Kung magselos sya edi go hahayaan kita dito magstay kahit forever pa pero kapag hindi move on move on din 'pag may time" napaisip ako sa sinabi nya pwede rin naman yun kaso

"Pagiisipan ko"

"Pagisipan mong mabuti yan umayos ka. Ay! Teka bakla gabi na pala napasarap ata kwentuhan natin. Hatid na kita baka pagalitan ka na ng asawa mo"

"Mabuti pa nga"

AFTER akong mahatid ni Troy pumasok na ako ng bahay. Tulog na siguro si Ace. Naligo muna ako bago ako pumasok ng kwarto ni Ace. Lagi ko syang pinupuntahan dito bago ako matulog. Niyakap ko sya. Pero tulad ng ibang gabi umiiwas sya sa akin. Di ko alam kung gising ba sya nang mga panahong 'yon o maski sa pagtulog nya inaayawan parin nya ako. Umalis na ako ng kuwarto nya at dumeretso sa kwarto ko.

Nang makahiga na ako sa kama ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Troy.

"Payag na ako" iyon lang ang sinabi ko bago ko tinapos ang tawag. Sana tama ang desisyon ko.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon