5

9.6K 204 2
                                    

Author's Note: So I'm going to write Ace's PoV kapag PoV ni Ace pero kapag walang nakalagay, automatic na kay Cassandra ang PoV na 'yon.
____________________________________________

Ace's PoV:

Gabi na pero wala parin si Cassandra. F*ck saan ba pumunta yung babaeng yun. Teka bakit ba ako nag-aalala? Hindi. Hindi ako nag-aalala. Wala lang 'to. Tama. Wala lang 'to. Hinihintay ko lang sya kasi hindi pa ako nagdidinner dahil hindi pa sya nagluluto. Teka nga Ace. Diba nabuhay ka nang 5 years nang hindi ka naman nya pinagluluto. Tama. Kaya dapat hindi ka nag-aassume na ipagluluto ka nya araw-araw. Pero asawa ko sya. Oo. Asawa ko sya at dapat na pagsilbihan nya ako. Tama. Napapatango na lang ako sa naiisip ko. F*ck Ace nababaliw ka na ba bakit mo kinakausap ang sarili mo.

Napatakbo ako sa may bintana nang may narinig ako na paparating na sasakyan. Bumaba sa sasakyan si Cassandra at sumunod sa kanya ang isang lalaki. Wait lalaki!? Para naman akong sinaksak ng maraming aspili sa may bandang dibdib ko. Lalo na nang yakapin ng lalaki ang asawa ko. Sh*t Ace wag mong sabihing nagseselos ka? Napailing ako sa naisip ko. No, hindi ako nagseselos. Tama. Hindi nga. Tama. Tsaka obvious naman na mas pogi pa ako sa lalaking yun. Tama.

Napahiga bigla ako sa kama nang makarinig ako ng mga yabag ng paa papunta sa kwarto ko. Nagkunwari akong tulog. Baka kasi isipin nya na hinintay ko sya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Cassandra. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kabilang side ng kama ko. Ibig sabihin katabi ko na sya. At alam ko na ang gagawin nya. Niyakap nya ako. And again nakaramdam na naman ako ng kuryente. And I hate it. Kaya agad akong umiwas sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglabas nya kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Pero there's a part of me na gusto ko syang hilahin papunta dito at ikulong sa mga bisig ko.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko. At ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. No Ace. You're not falling right? You're not falling for her again right? Sinaktan na nya ang puso mo. Wag mo syang hayaang gawin ulit yun. Bigla namang naalala ko ang nangyari kaninang umaga. Her lips. I can still feel it. Kahit na may hinalikan ako kanina sa office hindi parin iyon natanggal. Sh*t nababaliw na ako. Kakaiba kasi ang labi nya. Tuwing hahalikan ko iyon noon palagi akong nakakaramdam ng fireworks. Bading na kung bading pero yun ang totoo.

After she left me 5 years ago. Nawala ako sa sarili ko. Isang taon akong nagmukmuk. Isang taon akong hindi nagpakita sa tao. And then one day may bigla na lang nagpadala sa akin ng envelope. Nang buksan ko ang envelope ay tumambad sa akin ang mukha ng asawa ko habang may kayakap na isang matandang Kano. That is the reason why I change. I became a cassanova pero ni isa sa mga naging babae ko ay hindi ko naikama. It is because kapag nandoon na kami sa punto na gagawin na namin iyo ay bigla ko na lang maaalala si Cassandra that's why hindi natutuloy. Yung iba naman kung hindi may tatawag may dadating na kung sino. Lahat na lang ng pwedeng pang-aabala ay nagaganap. Pero ang nakakapagtaka ay hindi ako nabibitin. Ni hindi nga ako t*n*t*gasan f*ck sh*t lang diba. Kaya naman nakakhiya mang sabihin pero at the age of 28 I'm still a virgin. F*ck nakakahiya. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa unan. Nababaliw ka na talaga Ace. Nahihiya ka dahil sa sariling mong iniisip. Hindi ko na lang pinansin ang sarili ko at napadala na lang sa antok.

His Runaway WifeWhere stories live. Discover now