6

9.8K 220 12
                                    

Ace's PoV :

Nagising ako sa dahil sa sinag ng araw na mula sa bintana ko. Agad naman akong bumaba ng makaramdam ako ng gutom. Oo nga pala hindi ako nakapagdinner.

Pagkababa ko ay naabutan ko syang naghahanda ng breakfast habang nakaapron pa at dress!?

"Ngayon ko lang nalaman na nakadress na pala kapag naghahanda ng breakfast" agad ko namang sinungaban ang fried rice na nakahanda. Gutom ako kaya wala na akong pake kung anong lasa ng pagkain.

"Ah eto ba? May lakad kasi ako with Troy" bigla naman akong nabulunan dahil sa sinabi nya "Hey hinay hinay lang naman. Oh ito tubig" agad ko itong ininom. Sabay kaming natigilan nang biglang tumunog amg doorbell.

Kita ko ang excitement sa mga mata nya habang patakbo syang lumapit sa pinto. Kaya naman sinundan ko sya. Bumungad sa amin sa pinto ang isang lalaki. Napairap naman ako sa hangin. Halata naman na mas pogi ako sa kanya.

"Good morning Cass! Ready ka na?"

"Ah oo. Ready na ako. Tara na!"

Agad ko namang naikuyom ang mga kamao ko. F*ck ano 'tong nararamdaman ko. Parang gusto kong manapak ng tao. Gusto ko silang sundan pero nanghihina ang mga tuhod.

What happened Ace? Akala ko ba wala ka nang nararamdaman para sa asawa mo? Bakit ngayon nasasaktan ka ng sobra?

Ayoko na. Hindi ko na kayang magpanggap pa. I still love my wife. And I want her back. She's mine. Mine alone.

MAGHAPON ko silang sinundan habang naglilibot sila sa amusement park. Hindi ko mapigilang hindi magselos. Iba sya sa araw na 'to. Hindi sya umiiyak gaya ng lagi nyang ginagawa sa bahay. Buong araw lang syang nakangiti. And it kills me. 'Cause I'm not the reason of her happiness.

Nanghihinang napaupo ako sa isa sa mga bench. Mas mabuti sigurong umuwi na lang ako. Paalis na sana ako ng biglang narinig ko ang boses nya. Umupo sila ni Troy sa may likod ko. Imbes na umuwi minabuti kong pakinggan na lang ang pag-uusap nila.

Cassandra's PoV:

"Mahal mo talaga asawa mo noh?"

"Sobra"

"Sabihin mo na lang kasi sa kanya yung tunay na rason kung bakit ka umalis"

"Tingin mo ba maniniwala sya. Isa na lang naman ngayon ang pinaniniwalaan nya eh. Yun ay ang may lalaki ako sa Amerika. Tingin mo ba maniniwala sya na yung lalaking inakala nyang lalaki ko ay ang tunay kong ama? Na yung kinalakihang kong tatay was not my real father? Na kaya ako umalis ay para malaman ko ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko? "

"Cass..."

"I was so lost nang malaman ko na hindi ko tunay na ama si Daddy. Sobra akong naguluhan. To the point na nakapagsinungaling ako sa mother in law ko. Sinabi ko sa kanya na kaya ako aalis ay para makapag aral ako at para hindi masira ang reputasyon ng asawa ko. But no. Hindi yun ang tunay na rason."  nakatungo lang ako buong moment na nagkukuwento ako kay Troy.

Napaangat ako ng tingin nang may makita akong pares ng sapatos sa harap ko.

"A-ace" nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin.

"Ace! Let me go!!" Napahinto kami sa paglalakad. Doon ko lang napagtanto na nasa parking lot na pala kami.

"No, Cass. I will never let you go. Not again" and with that hinila nya ako at ang huli kong naalala ay nakadampi na ang kanyang labi sa labi ko. It was a passionate kiss. A kiss full of love. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

"Maraming kang dapat ipaliwanag sa akin Cassandra" hinihingal na sambit nya. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya. "Pumasok ka na sa kotse may pupuntahan tayo"

"Saan?"

"It's a secret for now" and with that he smile. The smile that made me fall for him over and over again.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon