1

16.4K 288 6
                                    


" CASS! Nandito kami!" napatingin ako sa isang kumpol ng tao. Medyo hindi ko sila nakilala dahil na rin sa tagal ng panahon na nawala ako. Pero habang papalapit ako ay mas namumukaan ko sila. My friends.

"Sobrang na-miss ko kayo" maluha luhang bungad ko sa kanila

"Syempre kami rin" saad ni Kat na mayroon na ring luha sa mga mata.

"Bakit ka ba naman kasi biglang nawala ng walang paalam. Tapos tatawag ka na lang para sabihin na nasa Canada kana. Alam mo nakakatampo ka!" natawa naman ako sa inasal ni Thea

"Letse ang dami mong satsat sasabihin mo rin naman na namiss mo si Cass ang dami mo pang sinabi. At ikaw naman babae ka ano namang ginawa mo dun sa Canada sa loob ng 5 years aber" mataray na banggit ni Kat.

"Tama! Hindi mo man lang ba naisip yung mararamdaman ng asawa mo ha?"

Bigla akong napatahimik dahil sa sinabi ni Thea. Asawa. Sana hanggang ngayon may asawa parin ako. Sana hindi parin nya ako pinagpalit. Sana.

"Speaking of asawa. Tara na iuwi nyo na ako. Bukas na lang tayo mag celebrate. Kailangan ko ng umuwi sa asawa ko."

Hindi na sila nagsalita pa. Pagod narin kasi ako. Pang-last flight na kasi ang nakuha ko. Kaya ito gabing gabi na ako nakarating dito sa Pinas. Marami narin pala nagbago rito. Siguro kapag naggala ako dito maliligaw ako.

HINDI ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Bigla akong nanlambot. Ano ka ngayon Cassandra ginusto mo 'to diba? Pwes panindigan mo.

"Cass sure ka bang kaya mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kat

"Y-yeah. Sige. Thank you sa paghatid. Tawagan ko na lang kayo kung kailan ako manlilibre."

Umalis na sila. At ako naman pumasok na. Paano ko nasiguro kung dito parin sya nakatira? May contact kasi ako sa mommy nya. Pumasok na ako sa bahay namin. Patay na ang nga ilaw. At ang saming nagkalat na mga bote ng alak sa sahig at nakita ko naman na nakahiga sa sofa pinakagwapong nilalang na nakita ko. Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang aking asawa. Napaluha ako dahil sa nakikita ko. Matagal ng sinabi ni mommy na naging miserable daw sya pag-alis ko. Nang marinig ko yun parang gusto na agad liparin mula Canada hanggang Pinas pero nagtiis ako. Dahil kailangan.

Dahan dahan ko syang binuhat papunta sa kwarto namin. Buti na lang at hindi sya masyadong nagpabigat kundi baka nahulog na kami sa hagdan. Inihiga ko na sya sa kama. Ginawa ko na ang dapat gawin sa mga lasing. Matapos ko syang linisan, na sya na atang pinakamahirap gawin ay naligo na rin ako at dumeretso na sa kwarto ko. Yes. Magkahiwalay talaga kami ng kwarto kaya nga I'm still a virgin.

Nang makahiga na ako sa kama ko. Naaalala ko lahat. Kung bakit ko kailangang umalis.

I'm an orphan. Inampon lang ako ng mag-asawang hindi magkaanak. Pero hindi ko inakala na ang aking ama amaan ay isang manloloko, magnanakaw. Biglang lumubog ang business namin dahil lahat ng business partner ni papa ay umalis nang malaman ang tunay na katauhan nito. Pero may tumulong sa amin. Ang mga dela Cruz. Pero may kapalit ang pagtulong nila at yun ay ipakasal ako sa kanilang anak. Pumayag ako dahil na rin sa kilala ko ang anak nila . At sya si Ace dela Cruz. Hindi nila alam pero may lihim na kaming relasyon bago pa kami ipagkasundo. Kaya sobrang saya namin nang malaman namin na kami pala ang ikakasal.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon