2

11.8K 222 5
                                    


NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sinet ko yun ng 5:00 ng umaga. Syempre ipaghahanda ko pa ng almusal ang mister ko. Patayo na sana ako nang may biglang humila sa akin.

"A-aray!"

"What the f*ck are you doing in my house?"

"Baby, let me explain"

"Explain!? Niloloko mo ba akong babae ka. Anong dapat mong i-explain. Eh alam ko na ang lahat. Alam ko na na ipinagpalit mo ako sa isang matanda doon sa Canada. Ngayon tatanungin kita Cassandra anong dapat mong i-explain don."

"No. Baby, mali ang pagkakain--" napatigil ako nang bigla nya akong ibalibag sa sahig. Masakit. Sobra. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Tuloy-tuloy. Walang tigil. Pero hindi. Bumalik ako para sa asawa ko. Para sa asawa ko. Lumapit ako sa kanya at lumuhod niyakap ko ang mga tuhod nya at yumuko.

"Baby please. Give me a year para mapatunayan ko sayo na ikaw lang ang lalake sa buhay ko. Please just a year" tinabig nya lang ako sa isang gilid at lumabas na pero bago sya makalabas

"I'm giving you a month para makakita ka ng bago mong matutuluyan. Pero after a month at wala ka paring nakita. Wala na akong pake kung sa kalsada ka tumira." malamig ang pagkakasabi nya sa mga katagang iyon. Pero isang buwan. Kaya ko ba? Sapat na ba yon para makabawi ako sa kanya. Pero sige kakayanin ko.

KINAGABIHAN masaya akong naghahanda nang hapunan namin nang marinig ko na ang sasakyan ng asawa.

"Sakto! Tapos na akong maghanda" masaya kong saad habang naghuhugas ng kamay.

"Ace, dinner na tayo" pero hindi nya man lang ako tiningnan at deretso lang sya papunta sa may hagdanan kaya agad ko syang sinundan at hinawakan ang damit nya.

"S-sige na. Kahit tikman mo lang" kunot noo syang sumunod sa akin agad ko namang kinuha ang bag at amerikana nya habang naglalakad kami. Nang makaupo na sya agad ko syang pinaghandaan. Puno ng kaba ang dibdib ko habang tinitikman nya ang luto ko.

"F*ck anong klaseng luto'to? Ito na ba yung sinasabi mong pagkain eh baka nga pati aso masuka dyan sa luto."

"P-pero pinaghirapan ko y-yan"

"Edi sana hindi ka na lang nagluto" nasasaktan na ako sobra pero nagulat ako nang biglang buhatin ni Ace yung lamesa dahilan para mahulog lahat ng niluto kong pagkain. Lahat nahulog. Walang natira ni isa.

Wala na akong nagawa kundi ang pulutin ang mga nabasag na plato pero sa pagmamadali ay nasugatan ako.

"Ouch!" sa peripheral vision ko nakita kong napahinto sya sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya gusto kong makita ang reaksyon nya. Tiim bagang syang nakatingin sa akin. Pilit ko naman syang nginitian kahit na may namumuo nang luha sa mga mata.

"It's your fault, not mine"

Nagpaulit-ukit sa sistema ko ang mga sinabi ni Ace hanggang sa nasa kuwarto na ako. Oo alam ko na yung tungkol sa sugat ko yung tinutukoy nya. Pero hindi ko maiwasan na isipin ang sitwasyon namin ngayon kung saan ako ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan. Lahat ng ito ako ang nagsimula. Kung hindi sana ako umalis hindi sana ganito ang trato nya sa akin. Kung sana.

His Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon