20

4.7K 82 1
                                    

IT'S BEEN A YEAR since Trevor and I entered into a relationship. Alam ko na masyadong mabilis ang mga bagay-bagay tungkol sa amin, pero ano pa bang hihintayin ko, namin.
We are both adults, at pareho na naming nalagpasan ang phase ng buhay na kung saan kailangang matagal ang ligawan portion ng mga magkarelasyon para makilala nang lubusan ang isa't-isa. Para sa akin, kung gusto mong makilala nang lubusan ang isang tao, edi sagutin mo na agad, dahil doon lang lalabas ang tunay na kulay ng isang tao.

As of now, Trevor is still sweet, even sweeter. Hindi ito nagkulang sa akin. Kung minsan pa nga ay ito ang naghahatid at nagsusundo kay Stacey kapag natatambakan ang ako trabaho.

Stacey became super close to her Tito Trevor. Maging ang mga kaibigan ko ay gusto ito. Even Mom is very happy when she found out about our relationship. Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking iyon at halos lahat ng taong nakapaligid sa akin ay nagugustuhan sya. Maybe his charms? Well, I'm pretty sure wala sya  ng bagay na iyon.

Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Speaking of the devil.

"Hey" bati ko dito bago umupo ng maayos sa kama.

"How's your day?"

"Okay naman. Medyo boring kasi wala ka. Wala akong pinagtatawanan"

Natawa naman ako nang sumagot ito nang may oagtatamoo sa boses. "Darling! Sinasaktan mo ang puso kong walang ibang ginagawa kung hindi ang tumibok para sa'yo"

Muli ay humagalpak ako ng tawa dahil sa tinuran nito. "So, makata ka na sa lagay na 'yan?"

Napabuntong hininga ito kaya napatigil ako sa pagtawa. Kaya naman  tinanong ko ito kung may probpema ba. "Why? May problema ba?"

"I miss you so much" agad naman na nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. "Gusto ko nang maayos ang problema dito sa company para makauwi na ako sa'yo. Gusto na kitang mayakap" doon mas nabaliw ang puso kong kanina pa tumitibok sa hindi normal na paraan.

"Para namang ang tagal nating hindi nagkita, eh one week ka palang naman dyan"

"That one week is a pure torture baby, sya nga pala, how's Stacey?"

"Stacey is good. She missed you already"

"Tell her I missed her too, and also I have a lots of pasalubong for her"

"Ayan, kaya namimihasa sa'yo yung bata kasi ini-spoil mo"

"I wouldn't mind spoiling her for the rest of my life-" pareho kaming natigilan sa sinabi nya. "- I'm sorry alam kong hindi ka komportable sa mga ganitong usapan. I'm sorry" saad nito bago pinatay ang tawag.

Napangiti ako sa ginawa nito. He really cares. Alam kong kasalukuyan nitong kinukutusan ang sarili dahil sa tingin nya ay hindi ako naging komportable dahil sa sinabi nya.

Just thinking about what he's doing right now makes me wanna laugh my ass out.

Aaminin ko na noong mga unang buwan ng relasyon namin everytine may nababangit sya about sa kasal at anything na may kaugnayan doon ay nagiging uncomfortable ako. But now, I can even smile at it and anticipate it.

Hindi mahirap mahalin si Trevor. He is sweet, caring, kind, cheerful, at lahat na ata ng magandang katangian ay nasa kanya na, maliban na lang talaga sa kalokohan nitong nanalaytay na ata sa dugo nya kaya hindi na ito mawawala.

Though he always say 'I love you' to me ay ni minsan hindi nya akong pinilit na sagutin ito. He always kiss me after saying the magic 3 words that never fails to make my knees turns into a jelly. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasabi sa kanya  ang nararamdaman ko.

He also started living in our house that made Stacey very happy dahil hindi na nya kailangan pakawalan ang kanyang Tito Trevor pagsapit ng gabi.

Naputol ang aking pag-iisip nang muling umilaw ang cellphone ko. Its Kat.

"Hey, napatawag ka"

"Open your door magsleep over kami. I'm with Thea"

Agad naman akong tumalima pababa. Good thing wala ngayon si Stacey at nandoon kay Mommy. Paniguradong hindi kami agad matutulog nitong mga 'to.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mga mukha nito habang may hawak na dalawang bote ng wine. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. Nakapantulog na kasi ang mga ito. We are all wearing our matching pajamas. Sabay sabay kaming natawa ng mapansin yon.

"In fairness parang nag-meeting tayo ah. At ikaw" tinuro ako nito. "...you have so much to explain" saad ni Thea bago tuluyang pumasok sa bahay. Napailing nalang ako. This is going to be a long night.

His Runaway WifeWhere stories live. Discover now