15

4.9K 109 5
                                    

"SIR TREVOR! Kamusta na ho? Matagal-tagal ho kayong hindi nakaluwas ah"

Napakamot ito sa kanyang ulo. "Na-busy lang po ako Mang Ambo. Medyo marami rin po kasing inasikaso sa kompanya"

I was amazed at how they talk to each other. Hindi mukhang mag-amo ang mga ito, kundi isang magkabigan.

Ngumiti ako ng tumingin sa akin ang matandang mangingisda. "Sya nga pala sir, sino ho itong kasama nyo?"

Agad naman akong inakbayan ni Trevor. "Nililigawan ko po"

"Naku! Kagandang babae naman ninyo ma'am. Kamusta ho. Ako ho si Ambo. Caretaker ho ng resthouse ni Sir Trevor, mangingisda rin ho ako. Kung gusto nyo po pwede ho akong magdala mamaya ng mga bagong huling isda"

"Salamat po. Sakto nagki-crave po ako ngayon ng seafood" saad ko habang hawak ang aking tyan. Totoong gutom na talaga ako ramdam ko na ang pagrereklamo ng aking tiyan.

"Tamang tama ho. Fresh na fresh ho talaga ang mga isda dito"

"Aasahan ko po 'yan" nakangiting saad ko dito

___

INILIBOT ko ang aking paningin sa kabuuan ng naturang resthouse. Napaka-simple ng disenyo nito.

Pagpasok pa lang ay bubungad na sa iyo ang sala. Kahit saang sulok nito tingnan ay kapansin-pansin ang pagiging malinis nito.

Walang hagdanan ang resthouse na ito. Sa kanan makikita ang tatlong pinto na napag-alaman kong mga kuwarto. Sa bandang kaliwa naman makikita ang daan patungo sa kusina.

Kung ang sala at mga kuwarto ay purong gawa sa kahoy ganito rin ang mapapansin sa kusina. Ngunit mas nangigibabaw ang kalinisan ng lugar na ito. Kahit sino ay masasabing dirt consious ang may-ari ng bahay na ito.

Ngunit ang mas pumukaw ng aking pansin ay ang lalaking nakahubad baro na kasalukuyang nagluluto.

Napalunok ako habang pinagmamasadan ang mga muscle nitong gumagalaw habang naghihiwa ng mga rekados.

"Like what you're seeing?" napaangat ako ng tingin sa mukha nito kung saan nakaguhit ang kanyang mapang-asar na ngisi

Napaismid ako sa sinabi nito. "So... Is this resthouse yours? Or family owned?"

"Don't worry darling, I own this place" halos malukot ang mukha ko nang kumindat ito sa akin.

Inirapan ko na lang ito bago umupo sa upuan at hinintay maluto ang niluluto nito.

"Food's ready!" I heared my stomach grumble as I inhale the scent of the delicious food.

Hindi na ako nag-atubili. Agad ko nang sinunggaban ang adobong isda na inihain nito. God! I am famished.

I heared him chuckle pero hindi ko na ito binigyan pa ng pansin, itinuon ko na lamang ang aking buong atensyon sa pagkain.

In all fairness, masarao magluto ang loko.

___

NAPATAKIP ako sa aking bibig ng bigla akong dumighay. Nahihiya akong tumingin sa kanya. "Excuse me"

Napakunot ang noo ko nang makita ko itong nakatangin sa akin habang nakapatong ang kanyang baba sa kanyang kamay na nakatukod sa mesa.

"So this is what it feels like kapag mahal mo ang pinagluluto mo" halos masamid ako ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh please my dear heart! Stop beating so fast for this guy!

Iniwas ko ang tingin sa kanya bago tumikhim. "T-hank you...para sa food"

"Your welcome"

Silence. Shit! I really hate to be in this kind of situation!

Nakapagisip-isp na ako. I am starting to hate the butterflies that I get everytime this man is staring at me. I don't want to feel this anymore. Ayoko nang ituloy pa 'to. I will stop this bago pa tuluyan akong mahulog.

I gave him my serious face. "Trevor, can I ask you a favor?"

Nakita kong bahagyang bumagsak ang balikat nito. Mukhang nararamdaman nya na ang balak kong sabihin.

"Sa may veranda tayo" saad nito bago tumayo.

His Runaway WifeWhere stories live. Discover now