Chapter 39

3.1K 135 22
                                    

"Ean, sama ka ba? Mamimili kami nila Terrence ng mga kulang pa naming gamit para bukas," tanong ni Ralph.

"Di na muna Rence, next week na lang ako bibili. Next week pa naman pasukan namin eh.

"Wow, sana all next week pa pasukan." sabat ni Denver.

"O sige Ean, alis na kami, wala ka bang papabili?"

"Uwian nyo na lang ako meryenda!"

"Ah sige, mag-uuwi naman talaga kami ng meryenda, kasama namin si Ralph. Si Ralph pa ba?"

"Oh! Ako nanaman pinagtitripan nyo! Mga gago talaga kayo!"

"Sige Ean, alis na kami!"

"Ay teka, Ralph, peram laptop mo ah!"

"Sige pre, yung mga porn nasa folder na 'Angels' yung pangalan, nasa may Downloaded files!"

"Tangina mo, di ako manunuod ng porn."

"Sus kunyari ka pa."

"Fuck you."

"Fuck you too! Period! Lock! Nilunok ko na yung susi! Wala nang bawian!"

"Tangina, isip bata talaga puta," natatawa kong tanong, "Anong password."

"22017. Welcome."

"Tsaka nga pala Ean," sabi ni Terrence, "Di namin dadalhin motor ko ah, iwan ko na rito, wala kong lisensya eh. Ikaw na bahala ah."

"Sige. Ingat kayo."

Pag-alis nung tatlo. Dinala ko sa kwarto yung laptop ni Ralph. Kinuha ko sa bag ko yung USB na binigay ni Gelo nung isang gabi.

Kung ano man ang laman nito, sana ito na ang tuluyang mag-sara sa mga sugat na iniwan namin ni Gelo sa isa't-isa.

Pagbukas ko nung USB drive, dalawang files lang yung laman nya. Isa na dun yung full version nung film na ginawa namin para sa scholarship ko. At yung isa, parang video na kuha lang sa cellphone ni Gelo.

Binuksan ko ito.

"Dear Ean James," sabi ni Gelo sa umpisa nung video. Suot nya yung onesie nya na Unicorn na kulay Light Blue, nakahiga sya sa kama at nakasandal ang ulo nya sa headboard ng kama.

Nang makita kong may katabi syang natutulog sa kama na suot ang isa nya pang Unicorn onesie na kulay Dark Blue, saka ko lang narealize na kuha ito nung nag-overnight ako sa kanila.

Kuha ito nung unang gabi na nagsex kaming dalawa.

"Alam mo, di ko alam kung bakit pero ang sarap pakinggan ng pangalan mo pag sinasabi ko ng buo. But anyway, sobrang thank you sa gabing ito. That was the best sex I ever had!"

Hinarap nya sa akin yung camera. At ayun ako. Tulog na tulog.

"Joke lang, that was actually the first sex I ever had. Ikaw naka-virgin sa akin bro."

Ikaw rin una ko bro.

"Pero kidding aside," nilipat nya yung hawak nya sa isang kamay nya tas niyakap ako ng mahigpit, "Sobrang thankful ako I was given a chance to meet someone like you."

"You know, I learned so many things because of you, isa na don yung pagsunod sa kung ano yung gusto ng puso natin. Alam mo, I've been fighting this feelings na meron ako sa kapwa lalaki ko eh. That's why kahit meron akong mga friends sa school, lalo na sa varsity, I still distance myself from them kasi takot ako na baka one day malaman nila yung sikreto ko."

Hinihimas-himas nya yung buhok ko.

"Then I met you. Binago mo yung buhay ko Ean James. Fuck, ang hot talaga ng pangalan mo pag sinasabi ng buo! Damn you!"

Natawa ako dun na parang napahikbi na hindi ko maintindihan.

"Sorry, kasi kahit mahal na mahal kita, hindi pa kita maipaglaban. Alam mo naman, maraming kondisyon sa atin yung society where we lived now. Sana naging babae ka na lang Ean James, o kaya ako, para pag nagkakilala tayo, buntisan na agad! Hahahaha joke!"

Nice joke, medyo natawa ako. Pero di sya appropriate sa mga nangyayari ngayon.

"Pero nagegets mo naman diba, pag nakilala mo na yung taong, alam mo na, yung taong sigurado ka na, na sya yung makakatuluyan mo someday, parang gagawa ka talaga ng paraan para masigurado na kayo pa rin sa dulo. Hala, na-gets mo ba? Parang ang gulo ko."

Yes Gelo, naiintindihan kita.

"Hindi ko alam kung hanggang saan tayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo. Hindi ko rin alam kung anong mga pwedeng mangyari sa future. Pero isa lang ang masasabi ko, I maybe stupid at times, may times na parang pangalawa ka lang kay Cassy of some sort, ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari."

Mahal talaga ako ni gago, tangina.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Ean James. At ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, pero siguro hindi man ngayon, na as in ngayon talaga. Pero alam ko, someday, darating yung araw na nothing else will matter except you."

"Dumating man tayo sa point na maghiwalay tayo or something, I think I will not get over you that easy," ang cute talaga ni Gelo pag kinikilig, "Pero I dont think we will ever split eh, ikaw na kasi yung nakikita ko sa future ko. Pero pano nga no pag nagbreak tayo someday?"

Pano nga ba Gelo?

"Hmmm, tiwala lang, di mangyayari yan. Ikaw at ikaw pa rin yung pipiliin ko eh. Ikaw at ikaw pa rin."

Nilapit nya ulit sa mukha ko yung camera ng phone.

"Ang cute cute cute talaga ng bebe ko arghh!" kinurot nya ko sa pisngi at niyakap ngahigpit, "Cute na, sexy pa, sobrang malibog, pero sobrang gentleman din."

"Wala na kong mahihiling pa Ean James. Na sayo na ang lahat, yieee."

Kiniss nya yung dulo ng ilong ko.

"One day, I promised, I will shout from the rooftops that I love you very very much."

And kiniss mo ko ng mabilis sa labi.

After nyang sabihin yon biglang na-cut yung video. Yun na ata yung end kasi may pinindot na kung ano si Gelo eh. Pero may karugtong yung video. May nakaedit sa huli.

"Ikaw pa rin Ean James," narinig kong nagsalita si Gelo kahit malakas yung ihip ng hangin sa paligid nya at umuulan.

Hindi to sa kwarto nila Gelo. Nasa labas sya. Somewhere na malakas yung hangin at malakas yung ulan. Maya-maya lang, nakita ko sa video yung pool nila Gelo.

Nasa bubong si Gelo.

Suot nya yung light blue nya na onesie na basang-basa na sa ulan. At nakaupo lang sya sa bubong nila.

"Ikaw pa rin Ean James," ulit-ulit nyang sinabi.

Walang tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan. Eto yung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

"Balik ka na sa kin please. Balik ka na."

Tangina. Ikaw pa rin Angelo Jon.

Sinara ko yung laptop ni Gelo. Nagbihis ako. Kinuha ko sa may bintana yung susi ng motor ni Terrence. Patakbo akong bumaba pababa ng apartment complex. Nilabas ko yung motor ni Gelo mula sa compound.

Sumakay ako at humarurot ako patungo sa Monteviola Heights.

Ipaglalaban na kita Gelo. Andito na ko. Hintayin mo lang ako.

Susundin ko na kung anong nasa puso ko.

At ikaw yun.

Ikaw at ikaw pa rin.

Pagdating ko sa highway, saka ko lang naaalala na wala pala akong helmet. Ayos lang yan. Ang pinakamahalaga ngayon, makarating ako kanila Gelo, humingi ng tawad sa kanya, at ipagdasal na sana hindi pa huli ang lahat.

Gelo, eto na ko. Kaya na kitang ipaglaban ngayon.

Sa sobrang kakaisip ko kay Gelo, di ko napansing red na pala yung stoplight.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now