Chapter 23

4.1K 127 18
                                    

"No, you'll do as I say, Angelo!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Sir Manny na nanggaling sa labas ng kwarto ni Gelo.

"But Dad, Im not having fun in my school anymore!"

"Someday you'll realize how important school is!"

"Im not asking you to drop me out of school! I just want to study the track I want. Dad, nahihirapan na po ako sa school dahil hindi ko naman gusto yung ginagawa ko!"

"Well, its not my fault you're that weak."

Maya-maya, pumasok na si Gelo sa loob ng kwarto at malakas na sinara yung pinto. Napatingin sya akin, nakita kong naiiyak na sya sa galit. Hinubad nya yung suot na unicorn onesie at umupo sa gilid ng kama.

"Sorry you need to hear all of that."

"Ayos lang," yun lang yung nasabi ko, wala na kong masabing iba pa eh. Di ko alam kung anong sasabihin sa kanya sa mga sandaling to.

Bumangon ako at niyakap sya, pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. Di ko alam kung paano ko sya macocomfort pero alam kong sa yakap ko mapapagaan ko naman kahit onti yung bigat na nararamdaman nya.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong nya.

"Papasok lang naman ako sa car wash," sabi ko habang kinagat-kagat yung balikat nya, "Bakit?"

"Magpapasama sana ako. Enrollment namin ngayon. Wala akong kasama."

"Sige samahan kita."

"Sure ka?"

"Oo, magpapaalam lang naman kay Mam Dessa eh," sabi ko, pero sa totoo lang nahihiya na rin ako mag-paalam kasi kakabalik ko lang simula nung nag-leave ako nung namatay si Papa.

May narinig akong nagstart na kotse sa labas na sinundan nung malakas na pagbukas nung gate nila Gelo. Umalis na ata sila Sir Manny.

"Tara baba na tayo BB, nagkapag-luto na sila Lola," tumayo na si Gelo at nagpunta sa closet nya para kumuha ng susuotin namin pababa.

Habang kumakain, tahimik lang kami ni Gelo habang pinagsasabihan ni Lola Mercy si Gelo na para sundin na lang si Sir Manny para naiiwasan na yung alitan sa pagitan ng mag-ama, para kahit papano naman daw, matuwa yung Daddy nya kay Gelo.

"Never namang natuwa sa akin si Daddy," yun lang yung tugon ni Gelo sa dami ng sinabi ni Lola Mercy.

Pagtapos kumain, sabay kaming naligo ni Gelo, syempre may kulitan, pero ramdam ko pa rin na may bumabagabag talaga kay Gelo. Habang nagbibihis kami, napansin kong nakapatong sa desk nya yung report card nya mula sa pinag-aaralang university na kilala sa magandang program nila para sa mga medical students.

Habang namimili pa ng jacket na isusuot si Gelo, sinilip ko saglit yung report card nya. Di nga gaano kaganda yung mga grades nya. Sa likod may nakalagay sa Teacher's note: "Magaling na bata ngunit kailangan pang magpakita ng kagustuhang matuto."

Hindi mo rin naman masisisi yung tao diba? Di naman nya gusto yung ginagawa nya.

"So? Should we stop at the carwash?" sabi nya bago istart yung sasakyan nya.

"Di na, tinext ko na si Mam Dessa, nagpaalam na ko. Ayos lang naman daw sa kanya," di ko na lang sinabi na kailangan kong mag-overtime ng ilang araw.

"Salamat talaga E-corn," tumingin sya saglit sa akin, "Ayaw kasi akong samahan ni Daddy o ni Mommy sa enrolment. Never silang nagpakita sa kahit anong school activity."

"Baliw, wala yun," sabi ko habang tinitignan yung mga damit na pinahiram sa akin ni Gelo, Plain na maroon shirt, pants na kulay cream tas white na vans, yung orig talaga, di tulad ng sa palengkeng isang suot lang, "Ako nga yung dapat magpasalamat sayo, ang swerter swerte ko kaya sayo," tinanggal ko yung suot nyang cap tas ginulo-gulo yung buhok nyang medyo matagal nya pang inayos.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now