Chapter 11

4.3K 168 25
                                    

"Alam mo the best pre? Mahilig din si Cassy sa anime!"

Simula nung umalis kami sa bahay nila Gelo di na tumigil si Ralph sa kakakwento ng mga napag-usapan nila ni Cassy habang nasa taas kami ni Gelo. Medyo na-amaze nga ako eh kasi sa sandaling oras andami na nailang napag-usapan, or matagal lang siguro kami ni Gelo sa taas?

"Pero, seryoso, di ko ineexpect na ganun kabait si Cassy, parang ang reachable nya ganun, andaling lapitan."

"Reachable? Baka approachable?"

"Oo yun!"

"Oo na sige na, mabait na si Cassy, suot mo na yang helmet mo," sabi ko nung malapit na kami sa labasan ng village nila Gelo.

Nakita ko sa side mirror na sinuot na nga ni Ralph yung helmet. Pero di pa rin sya tumigil sa kakadaldal ng tungkol kay Cassy.

"Sa tingin mo pre, may pag-asa ako dun?" Kaya ko nga pinaghelmet si Ralph para matigil na sya nang kakabanggit kay Cassy eh, mas naguguilty lang talaga ako lalo.

"Gago, may jowa pre, malabo," sabi ko.

"Maghihiwalay rin yun. Joke! Gago baka sumbong mo ko kay Sir Gelo baka di na ko bigyan ng tip nun."

"Yan, matapos kang abutan ng tip araw-araw susulutin mo yung jowa nya?"

"Sorry na! Joke nga lang eh, pero si Cassy kasi talaga yung mga tipo ko ng babae. Ikaw ba?"

"Hmmm," kung iisiping mabuti, si Cassy nga yung tipo ko ng babae, kaya nga di ko maalis yung tingin sa kanya nung nag-cover kami sa debut nya. Tulad rin sya ng mga naging, uhm, kalandian ko dati, yung mga magagandang mabait, kalog pero may class pa rin pag gumalaw.

"Oo pre, type ko si Cassy," gusto sanang dugtungan na mas type ko na ngayon si Gelo, pero buti na lang napigilan ko yung sarili ko, "Pero siguradong marami pang tulad nya na single."

"Pre ah, pag pupunta ka ulit dun tas kasama si Cassy, sama mo ko ulit ah."

"Ayoko nga, nakakahiya, ilang beses kitang nakitang nakatulala kay Cassy, gago pre baka mailang yung babae."

"Di ko naman sya tinititigan in a manyak way."

"Gago, sige, pano mo sya tinititigan?"

"Parang, ano, uhm, turista na nakatingin sa painting ni Mona Lisa ganun!"

"Tangina mo, dami mong alam."

Pagliko namin sa street papunta sa apartment namin, muntik na kami mabunggo ng mobile ng mga tanod. Agad akong umiwas, tiyak pag nadali tong motor ni Terrence, magkakagulo kami nito sa apartment.

"Taina, muntik na tayo Ean dun ah!" sabi ni Ralph, ang tanging sinabi nya na di tungkol kay Cassy simula nang umalis kami kanila Gelo.

"San naman kaya galing yung mga tanod?"

Nasagot yung tanong ko pagdating namin sa apartment. Agad naming nakita si Mang Eddie, yung may-ari ng apartment na nagwawalis ng mga basag-basag na bote ng red horse.

"Mang Eds, ano pong nangyari? Dito ba galing yung mga tanod?" tanong ni Ralph pagkababa nya sa motor. Pinasok ko naman sa compound at pinark yung motor ni Terrence kung saan to lagi nakalagay.

"May sumugod na mga lalaki rito kanina! Hinahanap yung kasamahan nyo, pagbaba, ayun! Inundayan agad ng sapak! Ayun, nagkagulo na!"

"Po!?" sabay na sabi namin ni Ralph, nagkatinginan kami bago dali-daling umakyat papunta sa kwarto namin.

Pagdating sa apartment, nakita namin sa may kusina si Denver at Terrence. Nasa may lababo si Denver at nagbabasa ng towel habang nakaupo naman sa mesa si Terrence na puro dugo yung puting sandong suot.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now