Chapter 8

5.3K 172 29
                                    

Nagising nanaman ako sa malakas na patugtog nila Terrence, pero this time boses naman ni Kendrick Lamar yung bumalot sa buong apartment namin. Feeling ko maya-maya may kakatok na sa aming kapitbahay dahil sa lakas ng speakers ni Denver.

Una kong hinanap ang salamin ko sa ilalim ng unan, pagsuot ko, si Ralph ulit yung una kong nakita na nanunuod ng anime sa laptop nya. Bumangon ako, nag-inat ng konti at kumuha ng sando sa damitan ko.

"Nanonood ka nanaman ng anime?" Tanong ko kay Ralph habang inaayos ang buhok ko sa salamin na nasa dingding sa tabi ng kama ni Terrence.

"Paki mo ba? Pinakakiki-alaman ba kita pag-gabi ka na umuuwi?" As usual, kahit nakikipag-usap di pa rin nya inaalis ang tingin sa pinapanood.

"At least may social life."

"Gago," tumawa sya at binato nya ko ng mga balat ng mani na for sure kagabi nya pa kinain.

"Kadiri naman to puta!" Binato ko sa kanya pabalik yung mga balat ng mani.

"Bro, kanino nga pala yung t-shirt sa lapag? Ang cool."

Sinilip ko kung anong t-shirt yung tinutukoy nya. Yung t-shirt pala ni Gelo na hinubad ko bago matulog.

"Ah, kay Gelo," kinuha ko ang tshirt at pinagpag.

"Yung boyfriend ni Cassy Wright?"

"Oo," umupo ako sa kama ko at tiniklop ang damit ni Gelo, lalabahan ko to maya-maya.

"Wow, close na talaga kayo no? Astig. Sya yung shinoot mo kahapon diba?"

"Yep."

"Naks, magiging photographer ka na ng mga model at vloggers. Wag kang makakalimot ha! Big time ka na!"

"Baliw, di pa."

Biglang bumukas ang kwarto at sumilip si Denver, "Kain na guys, tapos na magluto si Terrence."

Sinara ni Ralph ang laptop at bumangon na mula sa kama nya, "Tara na Ean."

"Sige, mauna ka na, saglit lang."

Paglabas ni Ralph, kinuha ko ulit yung tshirt ni Gelo na nilapag ko sa gilid ng kama. Di ko mapigilang mapangiti nang maalala yung mga nangyari kagabi.

"Baliw, sigurado ka, baka matagalan akong ibalik sayo to," tanong ko kay Gelo matapos nyang sabihin na pwede ko munang iuwi yung mga damit na pinahiram nya sa akin after namin lumangoy.

"Ayos lang yun ano ka ba? Dami-dami kong damit eh, kung gusto mo sayo na lang yan eh," natatawang sagot ni Gelo habang nakatingin sa daan.

"Dito na lang ako kuys, ayan na yung apartment namin," tinuro ko yung gate ng apartment na nasa kabilang kalsada. Maingat na nag-U-turn si Gelo at nag park sa harap ng apartment.

Pagpatay ni Gelo sa engine ng saksakyan, tumahimik ang paligid na kahit ang paghinga ni Gelo sa tabi ko naririnig ko na.

"So, salamat nga pala sa lahat." Sabi ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Salamat rin. This is like, one of my happiest nights."

"So, kita kits na lang kuys!"

"Sige Kuys, ikaw na bahala sa pictures ko ha."

"Sure," pagbukas ko ng pinto, biglang hinawakan ni Gelo yung isa kong kamay.

"Wala bang goodbye kiss dyan?"

"Baka may makakita."

"Baliw, madilim naman eh tsaka walang tao sa paligid," sabi nya habang sinisipat ng tingin ang paligid ng pinarkan namin.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now