Chapter 4

6.1K 190 69
                                    

Ang ayoko lang sa trabaho ko ay yung pag patanghali na.

"Oh gago, parang kaninang umaga proud na proud ka sa trabaho mo ah?" sabi sa akin ni Ralph nung sinilip nya ako sa may harap ng carwash na nakasilong sa maliit na bubong.

"Mainit na kasi oh! Syempre sisilong muna ko! Kawawa naman yung precious kong skin!" sagot ko sabay himas sa balikat ko na medyo mahapdi na kasi kanina pa ko nakatayo rito sa ilalim ng initan.

"Tanginang precious skin yan!"

"Kung di nga lang malaki yung kinikita ko rito di ko to pagtitiisan."

"Sana all malaki yung sweld-"

Bago pa matapos ni Ralph yung sasabihin, biglang sumulpot sa tabi nya si Mam Dessa, "Aba! Kaya pala walang umaasikaso sa sasakyan ni Mrs. Abalos andyan at nakatambay ka!" bulyaw nya kay Ralph.

Napapikit ako sa tinis at lakas ng boses ni Mam Dessa, sya yung tipo ng mga middle aged tita na unang tingin mo pa lang sa kanya ayaw mo na agad syang marinig magsalita.

"Mam, tapos ko na pong hugasan yung kotse ni Mrs. Abalos, pinapatuyo ko na lang po," agad namang sagot ni Ralph sabay pagpag ng damit na tila naiinitan.

"Eh bobo ka pala eh! Tingin mo matutuyo ng mabilis ang kotseng yan nang mag-isa lang! Kanina pa nagaantay yung may-ari!"

Agad na tumakbo papasok sa carwash si Ralph. Napatingin naman sa akin si Mam Dessa, at parang magic, biglang nagbago yung facial expressions niya, "Andyan ka lang pala Ean!"

"Hi Mam!"

"Ayos ka lang ba?" lumapit sya sa tabi ko at hinimas ang braso ko. Sa ilang linggo ko rito bilang mascot ng carwash, halos na master ko na kung paano pakitunguhan si Mam Dessa. Mabait naman sya, kaso medyo creepy lang, mukhang malakas talaga ang tama sa akin kahit 40-something years old na at may apat na anak.

"Ayos lang po mam! Sumilong lang ako rito sa lilim, medyo mainit na po kasi."

"Nako ayos lang yun!" Lalapitan nya sana ako para punasan ang pawis na tumutulo sa noo ko pero agad kong kinuha sa bulsa ng short ko ang panyo ko at ako na yung nagpunas.

"Ok lang po ko Mam! Thanks po!"

"Pasok ka lang sa office ko, may juice don, malamig na tubig, softdrinks, akong bahala sayo," kinindatan nya pa ko bago pumasok sa loob.

Umiling ako para mawala yung kilabot sa katawan ko, palihim kong sinilip yung carwash para siguraduhing wala sa mga kasamahan ko ang nakakita sa amin, kundi, tutuksuhin nanaman ako nung mga gagong yun.

Buti naman walang nakatingin.

Maniwala kayo at sa hindi, eto ang ginagawa ko araw-araw, tumayo lang at magpapogi sa mga tao na parang mascot. Di ko nga alam mung dumami ba customer ng carwash dahil sa akin, pero kung sa sweldong 3,500 sa isang araw, aba, ayos na rin yun.

Minsan nasa isip ko, pano kaya kung may taga probinsya namin na makakita sa akin na ganito, pano kaya nila ibabalita to sa mga magulang ko? Natawa ako, for sure dahil ka-OA-yan ng mga taga amin, baka sabihin nila kay Mama Macho Dancer na ko dito sa maynila.

May kulay blue na kotseng tumigil sa harap ng carwash. Bilang isang mabait na mascot, lumapit ako, hawak ang placard na may pangalan ng carwash at sponge na may sabon-sabon pa bilang props.

Kinatok ko yung bintana, at agad naman tong bumukas.

"Hello po, welcome sa Dessa's Carwash!" sabi ko habang nakasmile ng signature smile ko na si Terrence pa yung mismong nagturo, yung smile na kahit sinong chix pa yan, o kahit bakla, o sa lagay ni Mam Dessa, mga tita, maeengganyo mag pa carwash sa amin.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now