Chapter 25

3.4K 144 13
                                    

"Bakit parang di naman maipinta yang mukha mo?"

Nakatambay nanaman kami ni Kimmy sa bench na nasa baba ng compound. Kakakain ko lang kasi, kaya nung nakita kong nakakatambay sa bench si Kimmy, sinamahan ko na sya sa baba para makapagpatunaw ako ng kinain.

"Bakit anong meron?"

"Kanina pa kaya nakakunot yung noo mo."

"Nabusog lang kasi ako, ansarap nung nilutong lumpia ni Terrence eh."

"Wews, ako Ean wag mo kong chinacharot ha! Alam ko yung mga kinemeng ganyan! Sige na kwento mo na!"

"Wala nga pramis."

"Wala raw pero ang lalim ng iniisip mo."

"Huh? What do you mean?"

"Wala naman inglishan! Walang ganyanan huy!"

"Oh sige," di ko naiwasang mapangisi, "Ano ba ang ibig mong sabihin sa iyong mga tinuran binibini?"

"Sige ha, makipag-usap ka sa akin ng ganyan hanggang mamaya ah!"

"Tinatanggap ko ang iyong hamon, binibini."

"Pero seryoso na kasi, ano nang progress mo dun sa pagiging kabit mo? May latest na ba? May nag-away na ba?"

"Wala ganun pa rin. Wala namang naging bago."

"So kelan mk balak kumilos? Pag may nasaktan na? Kapag may nag-away na?"

"Hindi naman kasi madali Kims, lam mo yun, mahal ko eh," naalala ko bigla yung nakaupo kami ni Gelo sa bench sa parking lot ng school nila, at nung nag-i love you sya pagtapos nyang mag-sorry sa kin.

"Ang tanong, mahal ka ba?"

"Oo, mahal ako nun," yun na ata yung pinaka confident kong sinabi kay Kimmy. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako ni Gelo, sa tuwing magkikita kami, nakikita ko sa mga mata nyang masaya syang makita ako, sa tuwing wala na kaming masabi sa isa't-isa dahil napagkwentuhan na namin lahat, ngingitian nya lang ako tas mapapangiti na lang rin ako.

Love is in the details nga kumbaga.

"Kung mahal ka talaga, ipaglalaban ka, di ka nya hahayaang may kahati sa puso nya."

"Pero kasi-" kokontrahin ko sana yung sinabi ni Kimmy, na kahit gusto akong ipaglaban ni Gelo, hindi pa rin talaga maaari, kaso biglang nag-vibrate yung phone ko.

Tumatawag si Gelo.

"Hello bro?"

"Bro, nasan ka?"

"Andito na sa amin. Bakit?" First time to ah, na tinanong nya kung nasan ako.

"Bro, can you help me?"

Napatayo ako bigla dun, "Ha? Bakit? Anyare bro? Asan ka?"

"Nasa tapat ako ng apartment nyo."

Dali-dali akong pumunta sa gate ng compound para tignan kung andun ba talaga sya. Andun nga sya. Nasa kabilang kalsada at nakasandal sa isang poste ng ilaw. Hinanap ko sa paligid yung sasakyan nya, pero wala ito.

"Uhm, Kimmy, sandali lang ha," paalam ko kay Kimmy at dali-daling lumabas ng compound. Tumawid din ako ng kalsada para makalapit kay Gelo.

"Bro, bakit? Anong nangyari?"

Pagtingin sa akin ni Gelo, para syang maiiyak na di ko maintindihan. Bigla nya akong niyakap. Pinatong nya sa balikat ko yung ulo nya at nagsimulang umiyak.

"Bro? Gelo? Anong nangyari?" tumingin ako sa apartment at sa paligid, mukhang wala pa namang nakakpansin sa amin.

"Lumayas ako sa amin bro."

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now