Chapter 28

3K 128 27
                                    

"Huy! Big time ka pala talaga no! Nakita kong sumakay ka sa sasakyan ni Cassy Wright nung isang araw!" bati ni Kimmy ng minsan umuwi ako isang umaga na galing sa pagjo-jogging. Naka-upo nanaman sya sa tambayan naming dalawa.

"Baliw, si Cassy lang yung big time. Alalay lang ako," sabi ko after kong umupo sa tabi nya, "May pinabili lang sya sa akin. Lam mo naman yung mga sikat, di pwedeng basta basta na lang lumabas."

"Kung big time yung friends mo, edi big time ka na rin!"

"Ganun ba yun?"

"Ganun yorn!" bigla syang naglabas ng issng supot ng pandesal na di ko nanaman alam kung saan nagmula, "So, kamusta ka na ngayon?"

"Ewan ko Kims, gulong-gulo na talaga ako," ssbi ko sabay buntong hininga. Sumilip ako saglit sa taas, baka mamaya nasa malapit lang si Gelo baka marinig pa nya yung usapan namin ni Kimmy.

"Parang tuwing magkikita tayo lagi ka na lang naguguluhan, ano pang bago teh?"

"Lately kasi parang nagiging close ako sa original na jowa."

"Ay weh? Talaga? Oh kamusta?" inalok nya ko ng pandesal, kumuha ako ng isa.

"Lalo akong nakunsensya," pinunasan ko yung pawis na namumuo sa noo ko, "Dati naman kasi di kami talaga close, pero ngayon na mas nakilala ko na sya, narealize ko na ang bait bait nya, at mahal na mahal nya talaga yung jowa nya, at sobra pa nyang pinagkakatiwalaan na hindi sya sasaktan nito.

"Nako mahirap nga yan, pero alam mo, ang bobo rin ni Ate gurl!" muntik na kong maguluhan, syempre iniisip ni Kimmy na lalaki yung kaagaw ko at babae yung inagaw ko. "May boyfriend na sya na sabi mo nga, sobrang bait at sobrang mahal na mahal sya to the point na hindi nya iniisip na baka may iba syang lalaki. Bakit kailangan pa nyang pakawalan yung ganun? Di nya ba narealize na bihira na lang yung ganun!"

"Pero alam mo kung ano yung pinagtataka ko, dati nung pinaguusapan namin sya nung jowa nya, sabi nya na selfish daw at masama yung ugali nya," napatingin sa akin si Kimmy dun sa sinabi ko, "Siguro dahil dun sa sinabi nyang yun kaya parang lumayo yung loob ko sa kanya, kaya siguro di ako nabigyan ng chance na makita yung good side nya, ganun."

"Weird non."

"Kaya nga eh."

"Its either nagsisinungaling yang kalaguyo mo, or," nay emphasis talaga sa or, "Or, nagpapakitang tao lang sayo yung jowa nya. Alin sa tingin mo yung mas posible?"

"Sa tingin ko, nagpapakitang tao lang yung jowa nya," sagot ko kahit hindi ako ganun ka-sigurado.

Tinitigan ako ni Kimmy na parang tinubuan ako ng pangalawang ulo.

"Alam mo ikaw, pogi ka nga pero ang tanga mo! No offense."

"None taken,"  bukod sa sanay na ko sa mga salitaan ni Kimmy, feeling ko ako rin yung tanga sa sitwasyon na to.

"Nagsisinungaling yang kalaguyo mo!"

"Pano mo nasabe?" ginaya ko yung 'pano mo nasabe' na meme.

"Sabi na nga ba, hindi talaga maganda yung loob ko dyan sa kalaguyo mo sa umpisa pa lang."

"Ha?"

Marahas na nagkamot ng ulo si Kimmy, frustrated na frustrated na sya, "Di mo pa ba talaga gets!?"

"Ano ba dapat kong magets!?"

"Sino sa inyong dalawa yung gumawa ng first move para maging kayo?"

"Sya."

"Anong sinabi nyang dahilan kung bakit nya inentertain yung pakikipagrelasyon sayo, kahit may jowa sya?"

"Sabi nya mahal pa daw nya, pero parang unti-unting nawawala yung feelings nya."

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now