Chapter 19

3.7K 158 56
                                    

"Sige lang! Sabado naman bukas eh!"

Yung isang box ng pizza na uwi ko, nasundan ng dalawa pang box ng pizza at limang bote ng red horse.

"Ayoko na! Nahihilo na ko!" sabi ni Ralph nung sya na yung sho shot.

Ako yung kumuha nung shot na para sa kanya galing kay Terrence, "Akin na lang, sakay kita," sabi ko sabay tungga nung isang shot na malamig na red horse.

"Weak naman ni Ralph puta," sabi ni Terrence.

"Oy! Laro tayong Truth or Dare!" sabi ni Denver na halatang medyo may tama na rin.

"Tangina naman, ano to PBB?" sabi ni Terrence na pinakamalakas uminom sa aming apat.

"Baliw! Sa PBB, bawal beer!" Sabi ni Ralph na may pinakamalakas ang tama ngayon. Kahit nagpass sya sa shot nya, nagsalin pa rin sya ng red horse sa baso nya.

"Sige simulan mo Den," sabi ko, "Truth or Dare?"

"Truth."

"Sino sa mga naging ex mo yung pinaka hindi mo makakalimutan at bakit?"

"Hmm?" tumira muna sya ng isa bago sumagot, "Si Denise. Minahal ko yun mga pre."

"WHOAAA!" Tangina, lasing na nga ata tong mga kasama ko lol.

"Oh ikaw naman," sabi ni Denver kay Terrence, "Bakit mo nilandi si Natalie kahit alam mong may syota sya?"

"Gago, tatanungin mo muna ako ng Truth or Dare diba?"

"Eh, yun rin naman tatanong ko pag truth eh!"

"Eh pano pag nagdare ako?"

"Edi ide-dare kitang sagutin yung tanong na yun!"

"Tangina, tanungin mo na lang kasi ako."

"O sige, truth or dare?"

"Truth."

"Kita mo! Mag truth ka rin palang gago ka."

"Sige na! Tanungin mo na ko! Dami dada eh!"

"Bakit mo nilandi si Natalie kahit alam mong may jowa sya?"

Tumagay muna si Terrence bago sumagot, "Eh mahal ko eh, ganun talaga pag mahal mo! Paglalaban mo!"

"WHOAAA!" Shet, namiss kong uminom kasama ng tropa ko.

"Ralph, Truth or Dare?" Tanong ni Terrence.

"Truth!" tinaas pa ni gago yung isang bote ng red horse na wala nang laman.

"Ilang percent ang chance na papatulan mo si Mam Dessa?"

"Tangina kadiri! Zero! Zero!"

"WHOAAA!" Feeling ko maya-maya kakatukin na kami ng mga kapitbahay sa ingay namin.

"Tsaka ayaw sa akin nun! Etong si Ean yung type nun eh, morenong may abs!" tinuro nya ko sabay abot ng isang shot na agad kong tinungga.

"Pre, tanungin mo na si Ean," sabi ni Denver.

"Ay weh? Ako ba yung magtatanong?"

"Bobo puta."

"Sige Ean, Truth or Dare?"

Di ako agad nalalasing, pero di pa rin ako dapat magpakuntento baka may masabi akong di ko dapat masabi, "Dare."

"Wow shit! Nag-dare!"

"Pagtripan natin tong gagong to," sabi ni Ralph, "Magpush-up ka at mag jumping-jacks ka sa hallway! Tig 20!"

"Dali naman nun!" sabi ko.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now