Chapter 30

3.3K 138 40
                                    

"Hello? Gelo?"

"Hello Ean James!" Napahinga ako ng malalim, may kung anong nangyayari talaga sa loob ko sa tuwing tinatawag ako ni Gelo ng Ean James. Parang nawawalan ako ng hininga palagi na susundan ng parang mga butterflies sa tiyan ko, tas mapapangiti na lang ako sa kawalan.

Mukha akong tanga kiligin badtrip.

"Naks, mukhang good mood ngayon ang BB ko ah," maingat akong bumangon sa kama para hindi magising sila Denver. Lumabas ako sa kwarto at saka naupo sa sofa, "Nakapag-usap na ba kayo ng daddy mo?"

Sa dilim ng gabi, habang nakaupo sa sofa, naiimagine kong nakahiga sa mga hita ko si Gelo, suot ang damit ko, nakapikit habang hinihimas ko yung malambot nyang buhok.

"Yeah, things are getting better between us," masigla nyang bati sa akin, "Sorry di ako nakapagparamdam ng ilang araw, Dad said na kahit we've already settled things between us, yung paglalayas ko still have some consequences kaya grounded ako sa loob ng bahay and sa phone for three days."

"Ahh, kaya pala hindi kita matawagan," medyo nag-alala talaga ako dahil tatlong araw syang hindi nagparamdam sa akin simula nung gabing sinundo sya rito ni Sir Manny, pero tama nga yung hinala ko na grounded lang sya sa phone at bawal syang lumabas ng bahay.

"I missed you. Sobra," sabi ko, "Araw-araw kitang hinihintay sa car wash."

"Sorry BB, hindi kita nasabihan agad. And I missed you too. Sobra."

"Its ok, wag mo nang alalahanin yun, naintindihan ko. Buti nga nagka-ayos na nga kayo ni Sir Manny."

"Kaya nga eh," sabi nya, "Actually yung car ride home, sobrang tahimik lang kaming lahat, Dad, Mom, Lola Mercy, no one's really talking. So awkward nga eh. Nung pag-uwi sa bahay, pinapunta kaming lahat ni Dad sa dining room and there he apologized, which was a surprise," tumawa sya ng mahina don.

"He let me speak first, why I chose not to attend yung summer school, why I chose to do modelling, why I changed tracks kahit hindi sya pumayag nung first time ns nag-paalam ako sa kanya. He listened Ean James, he listened."

Napangiti ako kasi yung the way na magsalita sya, alam kong nakangiti sya habang nagkukwento.

"Then he later explained why his actions are ganun. He repeatedly apologized for beating me several times. He also apologized for not listening to me. Grabe, parang hindi si Dad yung kausap ko nung gabing yun, for the first time ata in he recent years hindi ako natakot sa kanya."

"And also for the first time in years, we hugged."

Sana all nagkaron ng chance na makipag-bati sa tatay nila.

"He also offered to take me to one of his physicians dun sa hospital namin to get my bruised checked. Pero sabi ko ayos naman ako."

"Syempre, ako nag-alaga sayo eh."

"Kaya nga eh, kiss and hugs mo pa lang parang nawala na lahat ng sakit."

"Corny mo bro."

"Corny pero kinikilig ka!"

"Tangina mo," sabi ko na lang habang natatawa, kinikilig naman kasi talaga ako, at alam yun ni Gelo kung anong epekto nung sa akin kaoag bumabanat sya ng ganun.

"Yieeee kinikilig ang BB ko."

"Ikaw kasi eh, nagpa-miss ka masyado."

"And other good thing happened rin pala," sabi nya, "After Dad and I made up, Mom finally spoke up too. They went to their room after and kinabukasan non, for the first time rin years, sabay silang nagbreakfast at pumasok sa trabaho sa iisang car lang."

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon