Chapter 26

3.4K 141 31
                                    

"Tangina mo naman pre! Pumunta pala si Cassy sa bahay natin bat di mo naman ako ginising!?"

"Aba malay ko bang gusto mong makita si Cassy!"

"Oo naman! Alam mo namang crush na crush ko si Cassy eh!" sabi ni Ralph sabay inalog ako ng malakas.

"Hoy gago! Wag mo ko alugin nagdidrive ako!"

Galing kami sa Bayad Center at nagbayad ng bills namin at sakay kami ngayon ng motor ni Terrence na nagsisilbing service naming apat. Sabado ngayon at day off namin sa Carwash, sakto, tatapusin ko na yung pag-eedit nung film ko.

"Pero ayos lang naman pala yun, since sa atin na nakatira si Boss Gelo, baka araw-araw na rin sa atin si Cassy my loves!"

"Cassy my loves?" natatawa kong sabi, ang hopeless romantic talaga ampota.

"Di mo kasi alam yung feeling ng mainlove, babaero ka kasi!"

"Luh, una, di ako babaero, nagsasawa lang talaga sa akin yung mga naging ex kalandian ko! At pangalawa, alam ko yung feeling ng in love no."

"Wews, kanino naman?"

"Ba't ko sasabihin? Di ka nga naniniwala eh!"

"Sige na! Sabihin mo na!"

"Ayoko nga!"

"Balakadyan, di talaga ako naniniwala."

Pagliko namin sa street namin, medyo nabigla kami kasi andaming tao sa tapat ng compound namin. Kinabahan ako bigla, baka mamaya, tulad nanaman to nung nakaraan na binugbog nila Greg si Terrence. Or worse, baka nalaman ni Sir Manny na nasa amin si Gelo.

Pagdating naman sa tapat ng compound, may nakita akong familiar na sasakyan.

"Anong meron?" Tanong ni Ralph sa isang chismosa na nasa nakaabang.

"May artista daw dyan sa loob ng kotse na yan! Yung sikat daw na artista sa youtube! Si Cassandra Wright!"

"Si cassy my loves?" tanong ni Ralph sa akin.

Bumisita nanaman siguro to kay Gelo.

Pagka-park ko nung motor ni Terrence, may lumapit sa aking lalaki, naka uniform sya na pang driver eh. Driver siguro ni Cassy.

"Sir, tawag po kayo ni Maam Cassy sa loob."

"Ako po?"

"Yes sir."

Napatingin sa akin yung mga kapitbahay kong chismosa, yung iba nagtatanong kung anong kailangan ni Cassy sa akin, yung iba naman nagtatanong kung pwede ko ba silang ikuha ng autograph kay Cassy. Di ko na lang sila pinansin at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan nila Cassy.

Naghihintay sa loob si Cassy na nasa tabi ng driver's seat.

"Hello Ean!"

"Hi Cassy! Bumisita ka kay Gelo?"

"Yeah, umakyat ako kanina, pero na realize ko ang hassle pala pag umaga ako nagpupunta rito," tumingin sya sa dami ng mga tao sa paligid ng sasakyan nya.

"Oo nga eh," pag-sasang-ayon ko.

"Hey may tanong ako, kanina dun sa taas, your friends Denver and Terrence gave this small bread na may color red na palaman, can I ask what do you call those?"

"Kulay red yung palaman?" eto ba yung rason kung bakit nya ko hinihintay?

"Oo, square sya tas parang may red sya sa gilid pero sa loob meron din. Sobrang sarap nya. San makakabili nun?"

"Ah, pan de regla."

"Excuse me?"

"Pan de regla tawag dun."

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now