Chapter 18

3.7K 147 21
                                    

"BB? Ok ka lang?" tanong ni Gelo nung pauwi na kami.

"Yep, medyo pagod lang." sabi ko na agad naman sinundan ng isang mahabang hikab. Alas kwatro pa lang ng umaga gising na ko, tumulong ako sa pagluluto ng pagkain para sa mga nakipaglibing kanina kay Papa.

"Sure ka? Nakita kong nilapitan ka ni Tita bago tayo umuwi. Anong nangyari?"

Huminga muna ako ng malalim bago nagkwento.

"Nak, pwede ka bang makausap?" Binaba ko yung buhat kong mga monoblock ng baranggay at napatingin kay Nanay.

Nakita kong tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Nakita ko si Ate Elaine na napatigil sa pagwawalis at nakatingin lang sa amin. Tumigil rin sa pagwawalis sa loob at pagpupunas ng mga bintana si Ate Emily at Ate Eliza na nasa loob ng bahay. Pati si Kuya Elton at Kuya Ed na tinutulungan ko sa pagliligpit ng mga silya ng baranggay napatingin sa amin. Kagagaling lang namin sa sementeryo at lahat kami nakaitim pa.

"Bakit po nay?"

Dinala ako ni Nanay sa loob, pumasok naman yung dalawang panganay kong ate sa kusina.

"Babalik ka na ba sa maynila?"

"Opo nay."

"Ganun ba," inalis nya yung hawak sa kamay ko, "Akala ko kasi umuwi ka na."

"Nay, may trabaho na po kasi ako sa maynila tsaka nakapag-enroll na rin ako sa isang university malapit sa tinitirhan ko. Tsaka nag-apply rin po ako ng scholarship dun."

Natahimik si Nanay. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang tuwa, o pride, basta hindi ko alam kung pano ieexplain, basta bigla akong naging proud sa sarili ko, na nagawan ko pa rin ng paraan yung magkaron ng titirahan, school na papasukan, at trabahong pinagkakakitaan.

"Pasensya ka na at hindi ka namin napag-aral ng tatay mo," hindi na magawang makatingin sa akin ni Nanay, nakatingin na lang sya sa lapag at nagkukutkot ng kuko.

"Kelan ka babalik rito?"

"Di ko po alam," pero yung totoo wala na talaga akong balak. Ewan ko. Manhid na ata ako.

"Patawarin mo ang nanay sa lahat nang pagkukulang namin sayo," sabi ni Nanay na onti na lang at paiyak na.

Di ko alam kung anong maisasagot ko ron. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga panahong hindi sya naging magulang sa amin.

"Hindi ko po alam yung isasagot ko dyan," sagot ko.

Dito na umiyak si Nanay. Nagpaalam na ako sa kanya, kay Ate Elaine at sa dalawa kong kuya at dire-diretsong nagpunta kay Gelo na nasa loob na ng kotse.

"So hindi ka ready patawari si Tita then?"

"Hindi pa. Papatawarin ko rin naman sya pati yung mga kapatid ko someday, pero siguro hindi ito yung panahon na yun, ewan ko."

"O sya, sige na, matulog ka na, malayo pa tayo."

"Wait lang!"

"Why?"

"May gusto lang akong daanan bago tayo umuwi."

Bumalik kami papunta sa bahay, pero this time pinadaan ko si Gelo sa kabilang street. Ilang minuto lang at nasa tabing ilog na kami, ang parehong tabing-ilog kung saan tinangay ng rumaragasang tubig ang bunso kong kapatid.

"Sa lahat ng mga kapatid mo si Ellie siguro yung pinaka close mo?" tanong ni Gelo pagkababa namin ng kotse. Dahan-dahan akong tumungo habang tinatanaw yung ilog sa harap namin.

"Oo, kami yung pinakamalapit yung agwat eh."

Ang kalmado ng ilong ngayon. Kita pa ang tumpok ng mga basurang naipit sa malalaking bato na nakausli sa tubig. May mga ibon pang dumadanggit ng isda sa di na gaanong kalinaw na tubig. Ibang-iba sa ilog na nakita ko nung bumabagyo at hinahanap namin si Ellie at yung mga kalaro nya. Sobrang bilis ng agos ng kulay tsokolateng tubig na may dala-dalang iba't ibang mga bagay na paniguradong galing sa katabing mga bahayan.

Bros With Benefits (BoyxBoy) [COMPLETE]Where stories live. Discover now