SEASON 5 FINALE: Surprise

22 6 0
                                    

"Good morning, Shine!" pagbati ni Eight nang sagutin ko ang tawag niya.

"At anong good sa morning?" pang-aasar ko.

"Haaay. Basag trip ka talaga kahit kailan," sagot niya sa kabilang linya.

"Wow! Nagsalita ang hindi," tugon ko. "Bakit ka ba tumawag?"

"Wednesday ngayon, 'di ba? May date tayo," sambit niya.

"Nagkita na tayo noong Lunes, 'di ba?"

"Hoy, hindi counted 'yon! Kumain at nag-sorry lang ako sa 'yo noon pero hindi 'yon considered as date," dipensa niya.

"Okay. Pero ako ang magde-decide ngayon kung saan tayo pupunta," sabi ko.

"Anong ikaw? Ako dapat ang mag-decide," giit niya.

"Hindi ba, ikaw na nag-decide kung saan tayo kumain noong Lunes?"

"Oo, pero ikaw ang nasunod noon na hindi ko gamitin ang cell phone ko hanggang kinabukasan, 'di ba? At saka, gaya nga ng sinabi ko kanina ay hindi counted 'yong araw na 'yon," paliwanag niya.

"Haaay! Nagiging makwenta ka na rin ha?" ismid ko.

"Gaya nga ng lagi mong sinasabi, dapat patas lang."

"Eh, saan mo naman balak na mag-date tayo?" tanong ko sa kanya.

"Sa ngayon, hindi ko pwedeng sabihin because it's a surprise," sagot niya.

"Aba! At kailan ka pa natutong manurpresa?" pang-aasar ko.

"Anong tingin mo sa 'kin?"

"Ewan ko. Basta, siguraduhin mo lang na sa hindi mataong lugar tayo pupunta para hindi mo 'ko mahawakan sa kamay," sabi ko.

"Haaay. Nagmala-alien ka na naman," pasaring niya.

"Sinong alien?" singhal ko.

"Gusto mo ba talagang sabihin ko?" tanong niya.

"Ewan ko sa 'yo. Sige na, baka sabihin mo inaaksaya ko pa ang oras mo," bigkas ko.

"Nagparinig pa. Sige na, pupuntahan na lang kita mamaya. See you," sabi niya sa kabilang linya.

Nang sabihin niya iyon ay binaba ko na ang tawag. Nakakainis talaga iyong demonay na iyon. Napaka-talented niya pagdating sa asaran. Nakaka-imbyerna!

Tumupad naman ngayon si Eight sa mga sinabi niya. Gaya ng napagkasunduan ay pinuntahan niya ako sa bahay kinahapunan para sa date namin.

"Ready ka na ba?" tanong niya matapos niyang paandarin itong kotse niya.

"Ayusin mo lang talaga itong mga pinaplano mo kung ayaw mong matapakan," pagbabanta ko.

"Wild na alien," pasaring niya.

"Demonay," sagot ko.

Matapos ang ilang minuto niyang pagda-drive ay huminto siya. Sobrang nawirdohan ako nang ma-realize ko kung anong building itong nasa harapan namin.

"Bakit nandito tayo?" tanong ko sa kanya pagkaraan.

"Dito tayo magde-date. Triple date nga lang," sabi niya.

Nang sabihin niya iyon ay lalo pa akong nawirdohan sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa building na ito sa puntong iyon. Pumasok kami sa elevetor at pumunta sa 7th floor ng building na ito.

Habang naglalakad ay ang daming memories ko dito ang pumasok sa isipan ko. Ang tagal na rin noong huling nakapunta ako dito.

"Handa ka na ba sa surprise ko?" tanong ni Eight matapos naming huminto sa tapat nitong pintuan.

"Sana surprise pa rin siya. Mukhang may ideya na ako," sagot ko.

"We'll see," sabi niya na lang.

Hindi nagtagal ay binuksan ni Eight ang pintuan at bumungad sa akin ang isang mahalagang taong matagal kong hindi nakita.

"Welcome back, Shine!" sabi ng mahal kong ina.

"Mama," sabi ko at saka ko siya dali-daling niyakap.

Nabalot ng walang humpay na iyakan ang tagpong iyon. Tila ayaw nang bumitaw ng katawan ko sa pagkakayakap nito sa mahal kong ina at ganoon din siya. Parang nang sandaling iyon ay nabalot ang puso kong sabik na sabik sa pagmamahal ng isang ina.

"Kumusta ka na, anak ko?" tanong niya sa akin matapos niya akong yakapin.

"Sobrang okay po ako ngayong nakita ko na ulit kayo. Nahihiya akong harapin kayo sa kabila ng pag-iwan na ginawa ko sa inyo?" sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa iyo. Isa pa, naipaliwag naman na sa 'kin ni Dr. Eight ang lahat," sabi ni mama.

"Kayo po? Kumusta na po kayo?" tanong ko sa kanya.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni mama pabalik.

"Mukhang ayos na kayo. Mukhang bumalik na kayo sa katinuan," sagot ko.

"Mapalad tayo dahil hindi ako pinabayaan ng magaling kong doktor. Halos i-monitor niya nga ang kondisyon ko oras-oras," pagsang-ayon ni mama.

"Ngayon, alam mo na kung bakit sobrang busy ko nitong nakaraan? Gusto ko kasi kapag dinala kita dito ay magaling na si Ms. Tess," saad ni Eight.

"May silbi ka rin palang demonay ka," sabi ko.

"Ikaw lang kasi eh. Wala kang bilid sa aking alien ka," wika niya.

"Kahit may ideya na ako kanina ay hindi ko inasahan na ganito na kagaling ang mama ko. Na-surprise mo pa rin ako gaya ng plano mo. Maraming salamat, Eight! Maraming salamat at binalik mo sa amin ang mama ko," sabi ko sa kanya at saka ko muling niyakap nang mahigpit ang mama ko.

//////////////////////////////

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
Owned and written by EsonVitug
Season 4 ⓒ 2018 All Rights Reserved.
http://www.facebook.com/EsonVitug

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now