Adventure #10

502 18 3
                                    

"Hoy! Kwentuhan mo naman ako ng mga bagay tungkol kay Tyrone," bigla kong tanong kay Eight.

Hindi ko na kinaya ang katahimikang namamagitan sa amin nang mga sandaling iyon habang naglalakad kaya naman nag-isip ako ng pwedeng itanong sa kanya. Wala naman akong maisip na pwedeng itanong, palibhasa ay puro kalandian lang ang alam nitong isip ko. Hahaha!

"Oh? Akala ko ba hindi ka naghahabol sa isang lalaki? Eh, bakit ngayon tanong ka nang tanong?" sagot niya.

"Kapag nagtanong, naghahabol agad? Hindi ba pwedeng sumasagap lang ng tsismis?" sarkastiko kong sinabi.

"Tsismosa din pala ang mga alien, 'no?" pang-aasar naman niya.

Matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya ay hindi na ako nag-alinlanga pang tapakan siya.

"Aray ko!!! Bakit mo na naman ako tinapakan?!" tanong niya.

"Hindi ba, sabi ko sa 'yo kapag tinawag mo pa 'kong alien, ibu-Boggie Wonderland kita!" sagot ko.

[BEKSIONARY: Ibu-Boogie Wonderland = bubugbugin]

"Boogie Wonderland?! Ano na naman 'yang pinagsasabi mo? Ganyan ba language ninyong mga alien?" tanong niya kaya muli ko siyang tinapakan. "Araaay ko!!! Bakit na naman?!"

"Isang beses mo pa talagang tawagin akong alien, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" sabi ko tapos binilisan ko na ang paglalakad ko paakyat sa hagdan papunta sa room ni mama.

Natutulog pa rin nang mahimbing si mama pagpasok ko dito sa kwarto niya kaya sinikap kong isara lang itong bibig ko para maiwasang gumawa ng anumang ingay.

"Psst! Shine," pagtawag sa akin ni Eight.

"Pwede bang 'wag mo muna akong kausapin? Ayaw kong mag-ingay," sabi ko na pigil ang boses.

"Ay, sayang. Ku-kwentuhan pa naman kita about TJ," sabi niya.

"Sino naman si TJ?" tanong ko.

"TJ, Tyrone Johnson. Haaay. Ang slow mo talaga. Tsk!" sagot niya.

"Uwaaa! Si Tyrone pala. Sige-sige. Kwentuhan mo 'ko dali," excited kong sinabi.

"Ayaw ko na. Nagbago na isip ko," sabi niya.

"Ito naman. Tampururot agad. Tsh! Dali na, kwentuhan mo na 'ko," sabi ko.

[BEKSIONARY: Tampururot = nagtampo]

"Eh, ano ba kasing gusto mong malaman tungkol sa kanya?"

"Naka-ilang girlfriend na siya? Anong favorite niyang food and colors? Sinong idol niya? Bakit ayaw niyang mag-artista? May balak ba siyang...," hindi pinatapos ni Eight ang sinasabi ko.

"Hoy! Ano ba 'yang pinagtatanong mo?" sabi niya.

"Bakit? May mali ba sa tanong ko?"

"Oo! Paano ko sasagutin 'yong mga 'yon? Ano bang malay ko sa mga personal decisions niya sa buhay? Tsss! Napaka-walang utak magtanong."

"Eh, anong itatanong ko sa 'yo?"

"Dapat 'yong simple lang ang itanong mo. 'Yong sa tingin mo masasagot ko," sabi ni Eight.

"Okay, fine!" sagot ko. "Maingay ba siya dati sa classroom ninyo?"

"Nope. We, boys, don't like to talk too much," sagot ni Eight.

"Asus! Don't like to talk too much daw pero kapag may nakitang maganda't sexy na babae, daig pa linta kung makadikit tapos hanash over here, hanash over there, todo kung mambola. Style ninyo bulok. Che!" pang-aasar ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now