SEASON 2 FINALE: Eight's Love

228 14 0
                                    

Maganda, madulas at mahabang buhok. Kabigha-bihani at mapupungay na mga mata. Sexy and kissable lips. Matangos na ilong. Malambot at makinis na mga pisngi at balat. Kaakit-akit at nakakagigil na katawan. Ito ang mga katangiang gusto ko sa isang babae, sa isang girlfriend to be specific. Iyong tipong pagnakita mo palang siya ay maglalaway ka na. Eh paano pa kaya kapag napasa iyo na? Edi wow. Hahaha!

Jusko! Kapag ganoon naman ang magiging girlfriend ko ay okay lang kahit araw-araw akong mahirapan at mapagod sa pag-aalaga ng mga baliw kong pasyente, basta gabi-gabi niya akong papaligayahin.

Sana nga bigyan ako ni Lord ng ganoong girlfriend. Iyong tipong sa tingin palang niya ay kikiligin ka na. At saka iyong tipong kahit na hindi ka niya maalagaan nang maayos ay ayos lang dahil isang haplos palang niya ay magaling ka na. At iyong tipong kapag lumabas kayong dalawa ay kaiinggitan ka ng ibang lalaki dahil jackpot ka sa girlfriend mo.

Pero ewan ko ba kung bakit ang lahat ng gusto kong iyon ay hindi ko pwedeng i-apply sa taong nagugustuhan ko ngayon. Iyong buhok niya kasi ay hindi madulas at kaaya-ayang tingnan kung hindi sobrang dry na parang walis tambo tapos ay sabog-sabog pa. Iyong buhok niya ay parang never pang nadaanan ng suklay.

Ang mga mata niya ay hindi kabigha-bighani ngunit hindi rin naman pangit. Sakto lang, parang normal na mata lang.

Ang labi niya ay kapareho ng buhok niya, ang dry. Ewan ko kung bakit nagbabalat iyong labi niya.

Ang nose niya naman, kahit hindi perfectly pointed ay okay na, pwede na.

Ang cheeks niya naman ay madaming pimples and black heads. Grabe! Sa sobrang dami nito ay hindi na pwede pang tubuan ng another pimple dahil wala ng space.

Ang skin naman niya ay dry din. Natatawa nga ako kasi naalala ko na minsang nakita ko siyang nasusulatan niya ang balat niya gamit lang ang kuko niya.

Iyong katawan niya parang ruler, bukod sa payat, straight. Walang shape. At ang pinakagusto ko sa lahat ay ang big boobs at big butt na hindi niya nakuha. Nakakainis! Sobrang flat ang dibdib niya. Iyong boobs niya nagmistulang nunal sa sobrang liit at iyong butt niya ay ganoon din, parang pantal lang na tumubo sa likod. Haaay!

*Flashback*

"Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko paglapit ko sa kanya.

Lumingon siya pero nakasimangot. Nang sandali din iyon ay umupo ako sa tabi niya tapos ay bigla niya namang iniligpit ang mga gamit niya.

"Hoy, galit ka pa rin ba?" tanong ko kasi hindi man lang niya ako kinikibo.

Dahil hindi niya ako pinansin sa puntong iyon ay nagtanong akong muli.

"Haaaay! Ang wirdo mo talagang alien ka. Ano bang ikinagagalit mo?"

"Subukan mo kayang itanong 'yan sa sarili mo!" sagot niya.

Finally, kinausap niya rin ako kaya naman napangiti ako. At hindi ko rin alam kung bakit ko ba naisipang ilapit bigla ang mukha ko sa mukha niya.

"Alam mo, na-miss ko 'yang boses mo," wika ko.

Ewan ko ba. Kadalasan talaga ay hindi ko mapreno itong bibig ko. Bigla-bigla na lang sinasabi lahat ng nararamdaman ko.

"Ano ba? Lumayo ka nga!" sabi niya pero hindi ko siya sinunod. Sa halip ay lalo ko pa siyang inisis, lalo ko pang inilapit sa kanya ang mukha ko.

"Sandali lang. Ganito muna tayo. Para mawala 'yong pagod ko," sabi ko.

See?! Hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko. Shet!

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now