Adventure #18

315 14 4
                                    

"Beks, bakit parang pawisan at tulala ka? May problema ba?" tanong ni Princess.

"H-hah?" nauutal kong sinabi.

"Hoy! May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Hmmn, oo. Mayro'n," pabulong kong sagot.

"Ano 'yon?" mahinang tanong pa niya.

"Parang may hindi kaaya-aya akong naupuan," sagot ko.

"What?" natatarantang sagot ni Princess ngunit mahina pa rin kasi nagkakaintindihan ang radar namin. Alam niyang mapapahiya ako kaya hininaan niya lang.

"Girl!" sigaw bigla ni Camille.

Shemay! Ito na naman siya. Nararamdaman kong may katangahan na naman siyang gagawin.

"Girl! May naupuan kang chocolate cake!" sigaw pa ni Camille.

Sinasabi ko na nga ba. Minsan, nakakainis na rin ang katangahan nitong kaibigan namin. Nakakaimbyerna. Ugh!

Nang isigaw iyon ni Camille ay pinagtinginan kaming lahat ng tao dito sa cafeteria, at hindi nagtagal ay nataw na din silang lahat. Shemay! Feeling ko ay mamatay na ako sa sobrang kahihiyan. Lupa, kainin mo na ako ngayon din. Ugh!

"Beks, tara na!" sabi ni Princess tapos hinila niya ako patayo at saka kami nagsimulang maglakad.

Tulak-tulak niya lang ako, nasa likod siya para takpan itong parang tae sa white jeans ko. Asar!

Pumasok kami sa banyo na pambabae dito sa cafeteria at nagpunta sa loob ng isang cubicle. Doon niya ako tinulungang alisin ang cake dito sa white jeans ko subalit ayaw nang matanggal nito kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang hubarin na lang ito at suotin itong dalang extra short ni Princess.

"Ang sasama talaga ng ugali ng mga demonyang babaeng 'yon! Sarap nilang lunurin!" sabi ni Princess habang sinusuot ko itong short niya.

"Wala ka bang mas mahaba pa dito? Nakakailang suotin itong short mo," pagrereklamo ko.

"Sorry, Beks. Pero puro ganyan lang ang dala ko," sagot niya.

Kasi naman eh. Bakit ang hilig niya sa shorts?! Porket maganda legs niya ay nirarampa na niya ang mga ito. Edi siya na may makinis na legs!

Pagkatapos kong suotin iyon ay lumabas na kami sa cubicle pero muling bumungad sa amin ni Princess ang tatlong unggoy na sina Donna, Chiara at Gracie.

"At naglakas-loob ka pa talagang magsuot ng shorts ha?" natatawang sabi ni Gracie.

"Oh, ano ba 'yan? Kahoy?! Don't tell me legs mo na 'yan?" sabi naman ni Chiara.

Ayaw kong sumagot at ayaw ko silang patulan. Alam ninyo naman na ayaw ko ng gulo, hindi ba?

"So ano? Masarap ba 'yong cake?" nang-iinis na tanong ni Donna.

"Girl, pa'no niya matitikman 'yong cake eh sa pwet niya dumikit?" sagot ni Chiara.

"Ay! Pwet ba 'yon? Akala ko kasu mukha niya. Wala kasing pinagkaiba eh," mapang-asar na sagot ni Donna dahilan upang magtawanan silang tatlo.

"Ang sama talaga ng dila ng mga 'to!" sabi ni Princess na akmang susugod na pero pinigilan ko siya. Like what I always say, ayaw ko ng gulo kaya hinila ko siya palabas.

"Ano ka ba naman, Beks?! Lagi ka na lang bang magpapaapi sa kanila? Hindi mo ba alam ang salitang laban?" sermon sa akin ni Princess paglabas namin.

"Anong tingin mo sa 'kin? Tanga katulad ni Camille?" tanong ko pabalik.

"Oo! Bakit kasi ayaw mong lumaban?" tanong niyang muli.

"Ngangabu, ayaw kong lumaban dahil ayaw ko ng gulo. At isa pa, ano namang mapapala ko kung gaganti ako? Magiging masaya ba ako kung makakasakit ako ng damdamin ng iba? Hindi naman, 'di ba?" sagot ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt