Adventure #28

195 11 0
                                    

"Sabi ko, is it okay if I will date you out?" sagot ni Tyrone.

"Yes!" sobrang saya kong sagot.

Hindi ko lang magawa pero nang sandali ding iyon ay gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa.

"Hoy, teka! Paano naman ako?" biglang sabat ni Eight.

Kinuha ko ang kamay niya, naglagay ako ng pera sa palad niya at saka ako nagsalita.

"Date yourself. Enjoy!"

Kinindatan ko siya na may halong pang-aasar matapos kong sabihin iyon. Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming maglakad ni Tyrone upang simula ang date namin. Emegesh!

< Eight's Point of View >

"Kumusta? Long time no see," tanong ko kay Sunshine dito sa garden ng mental hospital.

"Kaya nga, long time no see. Alam mo naman, sobrang busy sa work nitong nakaraan," sagot niya.

"Mabuti kinaya mo 'yong mga nangyari sa 'yo recently?" tanong ko pa.

Nang sabihin ko iyon ay bigla siyang tumingin nang napakawirdo sa akin. Haaay. Alam ko na iniisip nitong t.h.(tamang hinala) na ito. Inisip niyang stalker niya ako which is half true. Oo, may gusto ako sa kanya pero hindi ko naman siya masyadong ini-stalk. Siguro, kaunti lang. Basta!

"Napanood ko lang 'yong mga issue mo sa balita. Huwag kang t.h.," giit ko.

"Ah, 'yon lang ba? Nako, wala 'yon. Sisiw lang sa powers ko 'yong mga problemang iyon," mayabang niyang sagot.

Aba! Nakuha pang magmayabang nitong alien na ito. Alam ko namang sa loob-loob niya ay nahihirapan siya. Huwag nga ako.

"Teka nga, bakit para yatang bigla kang naging concern sa 'kin? May gusto ka sa 'kin, 'no?"

"Ha?! A-ako?! Magkakagusto sa 'yo?! Mahiya ka nga!" nauutal kong sagot.

Kingina! Bakit ako nauutal? Nakakahiya.

"Kung wala, eh bakit nauutal ka?" pang-aasar niya.

Kingina talaga! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat ay hindi na ako masyadong dumaldal para hindi ako masyadong napaghahalataan. Lagot ako nito kapag nagkataon. Mabuti na lamang ay matalino at gwapo ako kaya naka-isip agad ako ng isasagot ko.

"Eh kasi hindi ko ma-imagine na magkakagusto ako sa 'yo! Isipin ko pa lang, nandidiri na ako," palusot ko.

Matapos kong sabihin iyon ay iyong mukha niyang nakangiti ay biglang napalitan ng angry face. Yes! Panalo na naman ako sa round na ito. Hindi mo ako matatalo sa asaran, Alien.

"Alam mo, gwapo ka sana. Ang problema, sobrang yabang mo!" sigaw niya sa akin.

Napaka-pikon talaga nitong crush ko. Kiss kita diyan eh. Hahaha!

"Talaga. Gwapo ako. Walang duda," medyo mayabang kong sagot.

Oo, aminado naman ako na madalas ay mayabang ako. Pero masisisi ninyo ba ako? Eh sa kailangan kong magyabang at magpa-impress sa taong gusto ko. Sana lang talaga effective itong mga pang-iinis ko sa kanya.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay tumahimik na siya. Oh, no! Hindi pwede ito. Hindi pwedeng matapos ang moment namin sa ganito lang. Kailangan ay may kaunting sweetness akong ipakita kahit papaano. Kailangang may gawin ako.

"Tara! Labas tayo," bigla ko siyang hinila patayo.

At gaya ng inaasahan ko ay pumalag siya. Lagi namang ganito.

"At ano namang gagawin natin?" mataray niyang tanong.

"Wala lang. Papasyal lang tayo," sagot ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now