Adventure #11

406 17 0
                                    

Monday, 1st Day of Training

Now Playing - Gee by Girls' Generation

♬ "Neomu banjjak-banjjak nun-i bushyeo no no no no no
Neomu kkamjjak-kkamjjak nolla naneun oh oh oh oh oh
Neomu jjarit-jjarit mom-i tteollyeo gee gee gee gee gee
Joecheun nunbit oh yeah
Joheun hyanggi oh yeah eh eh," ♬

Nakaupo kaming lahat ngayon habang pinapanood na sumayaw itong si Ms. Cath. Grabe! Parang ang hirap ng mga step na ginagawa niya. Ang bilis pero cute. Ito kasi ang napili niyang sayawin namin para sa recital sa Friday. Sabi niya pa iyong steps na gagawin namin ay kapareho din ng steps ng Girls' Generation kaya ganito kaganda at kabilis. Mabuti na nga lang at air-conditioned itong dance studio nila kaya nakatitiyak akong hindi ako maba-baskil. Whahaha!

[BEKSIONARY: Baskil = basang kili-kili]

"Okay, girls. Punta na kayo dito sa center," pagtawag ni Ms. Cath sa amin matapos niyang sumayaw.

"Chorus muna ang ituturo ko sa inyo dahil iyon ang pinakamadaling matutunan sa lahat. First step, blink your hands beside your face twice like this," sabi niya tapos in-act niya iyong sinasabi niya at saka namin iyon ginaya.

"Okay, the next step is this, and this, and this.....," patuloy niyang sinabi hanggang sa nakuha na namin ang step sa chorus.

Makalipas ang dalawang oras ay nakuha din namin ang buong step nitong Gee dance. Si Donna na mataray ang in-assign ni Ms. Cath as Taeyeon dahil siya naman ang nagleleader-leader-an sa amin habang si Princess naman ay si Tiffany, si Camille as Sunny, si Charisma as Yuri, si Jenny as Yoona, si Queences as Sooyeong, si Nezza as Seohyun, si Rossel as Jessica at ako naman ay in-assign as Hyoyeon dahil ako daw ang pinakamagaling sumayaw dito sa grupo namin. Wow! Nakaka-flatter naman iyon. Hahaha.

"Okay, Group 2. Now it's your turn to show the whole step of that Gee song to me. So girls, are you ready?" tanong ni Ms. Cath sa amin.

"Yes! We're ready!" sagot namin except kay Donna as usual.

"Well then, let's start this performance," sabi ni Ms. Cath kaya naman sinimulan na niyang magpatugtog.

Makalipas ang tatlong minuto ay nairaos naming i-perform ang kanta at sayaw na ito.

"Very good, girls! Very good!" natutuwang sinaabi ni Ms. Cath habang pumapalakpak pagkatapos ng practice performance namin. "We're done here. Bukas, ipapraktis ulit natin 'yan. Dapat wala ng flaws. And then, tuturuan ko pa kayo ng mga technique sa pagsayaw. So goodbye for now FlyHigh Trainees!"

Natural, bago kami lumabas sa room na ito ay nag-ayos muna kami ng mga sarili namin dahil haggardo versoza na kami at pinagpawisan nang husto. At syempre, habang nag-aayos ay hindi mawawala ang pagchichikahan. Girls' thingy, right? Hahaha!

[BEKSIONARY: Haggardo Versoza = haggard, tired-looking]

"Grabe. Ang sungit at ang sama talaga ng ugali ni Donna, 'no?" pag-oopen ng topic ni Princess.

"Oo nga. Hindi siya marunong makisama. Nakakairita," pagsang-ayon ko.

"Talaga?! Masungit ba siya?" sabat ni Camille.

Haaay. Ang tangengot talaga ng isang ito. Hindi niya ba napansin iyong bad attitude ni Donna? Ugh!

[BEKSIONARY: Tangengot = tanga]

"Ay hindi! Hindi siya masungit. Mali lang kami ng akala kasi ang bait niya! Sa sobrang bait nga niya ay pwede na siyang mag-apply bilang isa sa mga anghel sa langit," sarkastikong sagot ni Princess kay Camille.

"Talaga?! Mag-aapply siyang anghel sa langit?! Kailan at paano?" tanong pa ni Camille.

Haaay. Ang hirap niyang kausap, 'no? Ang hirap mag-joke sa tangang kagaya niya. Psh!

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now