SEASON 1: The Beginning

1.3K 31 19
                                    

♬ "Baby, it's you
You're the one I love
You're the one I need
You're the only one I see
Come on baby, it's you
You're the one that gives your all
You're the one I can always call
When I need you make everything stops
Finally, you put my love on top." ♬

Nang matapos akong kumanta ay nagpalakpakan ang lahat ng mga madlang dabarkads dito sa comedy bar kung saan ako nagta-trabaho tuwing gabi. Hindi nagtagal ay umakyat naman dito sa stage ang dalawang stand-up comedians na katrabaho ko at saka nila ako tinabihan.

Siya nga pala, It's Bulaga ang pangalan ng comedy bar na ito kaya naman madlang dabarkads ang tawag sa mga manonood dito. Hahaha.

"Ayan. Ang galing-galing talagang kumanta ni Sunshine. Tama ba 'ko, madlang dabarkads?" tanong ni Jamel, ang stand-up comedian na nasa kaliwa ko, habang itinatapat niya ang microphone na hawak niya sa audience.

"Yeah! Woohoo!" pasigaw na sagot naman ng madlang dabarkads na sinabayan pa ng masigabong palakpakan.

"Ako rin, mare. I agree!" pagsang-ayon naman ni Jeffrey, ang stand-up comedian na nasa kanan ko.

"Kaya lang ang fezlalu ni water, makyawtikelz. Eww!" pang-aasar ni Jamel kaya naman nagtawanan nang husto ang madlang dabarkads.

[BEKSIONARY: *Fezlalu = face / *Water = alternative word for a person / *Makyawtikelz = madumi, mapangit]

Sinasabi ko na nga ba. Gaya ng inaasahan ko ay pupurihin nila ako sa una ngunit sa bandang huli naman ay lalaitin din nila ako. Kaloka!

"Okay. Palakpakan nating muli si Sunshine," utos ni Jeffrey kaya naman pumalakpak ulit ang madlang dabarkads. "Ay girl, may napansin ako. Parang may kahawig kang mga artista. Take note, MGA ARTISTA!"

Aysus! Ako, may kahawig na artista?! Sa hitsura kong ito? Psh. Mga echuserang palaka! Alam ko namang lalaitin lang ulit nila ako.

[BEKSIONARY: Echusera = manloloko, sinungaling]

"Ay, bongga! Sino-sino sila, mare?" tanong ni Jamel.

"Puro artistang may mga 'An' sa pangalan ang mga kamukha niya," sagot naman ni Jeffrey.

"Ay, nako. Magaganda 'yang mga 'An' na 'yan, for sure!" pagsang-ayon naman Jamel.

"True naman 'yon, mare. Kaya Shine, humarap ka sa kaliwa mo," utos ni Jeffrey kaya naman humarap nga ako sa kaliwa ko. "Ayan. Ladies and gentlemen, An!"

"Who's An?" tanong ni Jamel.

"Anne Curtis," sagot ni Jeffrey.

"Wow, ang ganda. Oh, humarap ka naman sa right side mo," utos naman ni Jamel na sinunod ko.

"Ayan. Ladies and gentlemen, An!" sabi naman ni Jeffrey.

"Who's An?" tanong ulit ni Jamel.

"Andi Eigenmann," sambit ni Jeffrey.

"Ay, ang ganda rin. Oh, harap ka naman sa gitna," utos ulit ni Jamel kaya humarap ako sa audience.

"Ayan. Ladies and gentlemen, An!" sabi ni Jeffrey.

"Who's An?" tanong ni Jamel.

"An-dirty," sagot ni Jeffrey na nakaturo ang kamay sa mukha ko kaya sobrang nagtawanan ang madlang dabarkads.

"Oh, tingala ka naman," utos pa ni Jamel kaya tumingala ako.

"Ayan. Ladies and gentleman. An!" sabi ni Jeffrey.

"Who's An?" tanong ni Jamel.

"An-ling Dionesia," saad ni Jeffrey kaya muling nagtawanan ang madlang dabarkads.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now