SEASON 3: The Hidden Star

220 12 0
                                    

[EsonVitug's Note: Kung ano man po ang mangyayari sa kantang "One Day" ni Charice sa istoryang ito ay pawang imahinasyon lamang ng Author at hindi nakaaapekto o maaaring umapekto sa mga taong nagmamay-ari ng kanta. For entertainment purposes only. Thank you!]

Now Playing - One Day

♬ "One day, I'll make you a believer
One day, I got this all I need is
One day, don't try to tell me I can't (tell me I can't)
Right now, I'm writing the future
Watch out, won't stop I'm a mover
One day, you're gonna know who I am
I will fly high and free
It's my fate, wait and see
One day," ♬

Iyan ang pinakabago kong kanta ngayon, ang debut song ko kumbaga. Bagay na bagay sa nadarama ko ang sinasabi ng lyrics nito.

"One day, you're gonna know who I am!"

At ang nakakatuwa pa dito ay number 1 sa lahat ng music charts and online stores ang single kong ito. Wow! Ganoon pala talaga kaganda ang boses ko. Ngayon ko lang napagtanto.

Yes! Tama ang iniisip ninyo. Ako nga ang nanalo bilang FlyHigh Records New Girl Artist, ako ang nag-champion. Kinabog ko iyong Triple Pokers. Belat sa kanilang tatlo. Hahaha!

[BEKSIONARY: Kinabog = Tinalo, tinaob]

Pasensiya na kayo guys. Hindi ko na masyadong ikukwento at idi-detalye pa ang mga nangyari sa pagkapanalo ko noong Friday. Medyo hindi kasi naging maganda ang mga nangyari. Oo, ako nga ang nag-champion ngunit hindi naman naging masaya ang lahat ng audience sa naging resulta. Puro bash at commotion lang ang natanggap ko. Sina Tyrone, Princess at Camille nga lang yata ang pumalakpak noong tawagin ni Boss Mark ang pangalan ko. Ang maganda lang doon ay pinagtanggol ako ni Tyrone. Pinaglaban niya ang pagkapanalo ko. Uwaaa!

Back to reality, heto na nga. Number 1 ang single kong One Day. Puro magagandang feedbacks ang natatanggap ng FlyHigh Records sa iba't ibang social networking sites.

"Waaaa! Ang ganda ng One Day. Nakaka-LSS."

"One Day is awesome! I can't wait to know who's the artist behind this wonderful song."

"Shiz! Ang ganda ng boses ng kumakanta sa One Day. Fan na ako agad kahit hindi ko pa alam kung sinong kumanta!"

"I can't deny it! One day is such a beautiful song!"

Grabe! Song palang ang nire-release namin pero ganito na ang pagtanggap. Sana, kapag ipinakita na nila ang mukha ko sa publiko ay magtuloy-tuloy lang ang blessings na natatanggap ng FlyHigh Records. Baka kasi ma-disappoint ang mga tumatangkilik ngayon sa kanta ko kapag nakita na nila ang hitsura ko.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at ngayong araw nakatakdang ilabas sa publiko ang mukha at pangalan ko. Sobra akong kinakabahan. Emegesh!

Nandito kaming lahat ngayon sa control room ng FlyHigh Records. Kasama ko ang lahat ng lyricists, musical arrangers, producers at all the bosses kaya naman lalo akong nate-tense. Shemay!

"Okay! Heto na, ire-release na natin. Ready na ba kayo?" tanong nitong lalaking nag-o-operate ng computer.

"Ikaw Shine, ready ka na ba sa magiging resulta?" tanong sa akin ni Boss Mark.

Tumango lang ako na pilit itinatago ang matinding kaba. Emegesh! Feeling ko ay wala na akong dugo sa mukha ko dala ng sobrang kaba.

Pagkatango ko ay nagsalita na si Boss Mark.

"Sige, i-release na!" utos niya kaya naman inenter na nitong operator ang nakahandang name and picture ko sa computer screen.

ADVENTURE ADDENDUM:

Jusmiyo! Sana ay maging maganda ang resulta. Sana ay matanggap ng masang Pilipino ang hitsura ko. Please! Gusto kong sumikat at gusto kong mahalin ako ng lahat.

//////////////////////////////

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
Owned and written by EsonVitug
Season 3 ⓒ 2015 All Rights Reserved.
http://www.facebook.com/EsonVitug

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon