Adventure #46

28 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Quantum, isa sa mga pinakasikat na amusement dito sa Pilipinas na madalas matagpuan sa loob ng malls. Dito ko naisipang i-set ang date namin ngayon ni Eight kaya nirentahan ko ang buong palaruang ito para walang tao at para walang rason para mag-holdong hands kami.

"Wow! Ang bigtime mo na talaga. Pero natutuwa akong pinag-isipan mo pa talaga kung saan tayo magde-date," sabi ni Eight.

Ewan ko ba. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nag-effort pa akong mag-rent at mag-isip gayong hindi naman importanteng tao ang makakasama ko.

"Excuse me, hindi rin. Ayaw ko lang talagang magkaro'n ka ng dahilan para lapitan ako," paliwanag ko.

"Okay," sabi na lang niya.

"Sige na. Maglaro ka na. Heto ang tokens mo," wika ko habang iniaabot sa kanya ang tokens niya.

"Para saan naman 'to? Anong gagawin ko dito?" tanong niya pagkakuha niya nito.

"Hala? 'Yong totoo? Hindi mo talaga alam?" tanong ko pabalik.

Sa puntong iyon ay umiling lang siya, tanda na hindi niya talaga alam kung para saan ang mga token na iyon.

"Ibig mong sabihin, hindi ka pa naglaro sa mga ganito noon?" tanong ko pa.

"Oo, hindi ko 'to nagawa dati."

"Wow! Iba talaga kayong mga anak mayaman, 'no?" bigkas ko. "Kung gano'n, anong mga nilaro mo dati?"

"Baseball, golf, swimming, violin classes, mga gano'n bagay lang ang libangan ko dati," sagot ni Eight.

"Ibang klase. Ang sosyal. Magkaibang-magkaiba tayo," saad ko.

"Eh ano bang mga nilaro mo dati?" tanong niya.

"Naglaro ako dati ng paper dolls, nagbasa ako ng comics, chinise garter, agawan base, patintero. Minsan lang din naman ako makapaglaro sa mga ganito noon dahil hindi afford," sagot ko. "Pero huwag kang mag-alala, tuturuan kita."

Nang sandaling iyon ay pinakitaan ko siya kung paano gamitin ang token at kung paano maglaro sa arcade. X-Men VS Street Fighter na paborito ko ang arcade game na inupuan ko. Syempre, panalo ako dahil ang paborito kong si Chun-Li ang gamit ko.

"Nice, ang galing mo! Mukhang hindi ko gustong maniwala na hindi ka madalas dito," pang-aasar niya matapos kong maglaro.

"Saka mo na ako asarin kapag natalo mo na 'ko dito," pang-eenganyo ko para mag-two player kami.

"Sorry ka na lang pero hindi kita lalabanan," sabi niya saka siya tumayo upang maghanap nang pwedeng laruin.

"Hoy, duwag! Bumalik ka dito," sabi ko para pigilan siyang umalis.

"Excuse me, hindi ako duwag. Hindi ko lang talaga alam 'yang nilalaro mo," sigaw niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

Inubos namin ang lahat ng token na mayroon kami nang mga oras na iyon. Nagtagal kami sa arcade game na Deal or No Deal. Una siyang maglalaro tapos ang susunod ay ako. Pataasan kami ng bet or ng laman ng brief case. Kung sinong matalo sa bawat round ay pipitikin sa tainga. May mga round na talo ako pero mas maraming round na natalo si Eight laban sa akin. Kaya naman iyong tainga niya ay nagmistulang tocino sa sobrang pula. At syempre, hindi namin pinalagpas ang moment na iyon kaya nag-selfie kami upang ibida sa publiko ang mala-tocino niyang tainga.

Hindi ko alam ngunit hindi ko napansin ang paglipas ng mga oras nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay sobrang saya namin na may halong kaba sa kung sino man ang mapipitik at mapaparusahan sa aming dalawa. Sa tuwing pipitikin ko siya sa tainga ay hindi ko mapigilang matawa dahil sa nakakatawang hitsura niya.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now