Adventure #45

15 6 0
                                    

♬ "If you're ready for me boy
You'd better push the button and let me know
Before I get the wrong idea and go
You're gonna miss the freak that I control" ♬

"Ladies and gentlemen, ating siyang muling palakpakan, Sunshine!" sabi ng host matapos kong mag-perform dito sa Mixtape On Air.

"Thank you, every one!" masiglang kong sinabi habang kumakaway sa mga audience sa loob ng studio na ito pati na rin sa mga camera.

Pagkatapos kong magpasalamat ay bumaba na ako at dumiretso papuntang dressing room.

Pagpasok ay laking gulat ko nang makita ko kung sino ang kasama ni Dariel.

"Hello, Shine!" pagbati ni Brix.

"Hi! Anong ginagawa mo dito?" medyo nahihiya kong tanong.

"Ahmn, gusto ko lang sanang ibigay itong flowers sa 'yo. Gusto kong mag-apologize kaya ako nandito. Mukhang hindi naging maganda 'yong sagutan namin ng boyfriend mo the last time," sabi niya habang inaabot ang isang boquet ng flowers sa akin.

Ganito! Ganito ang mga tunay na lalaki. Sweet, mabait at marunong humingi ng tawad hindi katulad ng baliw na doktor na iyon. Mayabang na, sira ulo pa. Demonay siya.

"Nako! Hindi mo naman na kailangang gawin ito. Hindi mo naman kasalanan 'yon," pabebe kong sinabi.

Hoy! Kerengkeng ka. May boyfriend ka na, 'di ba? Bakit lumalandi ka pa sa lalaking iyan? Malantod.

Okay. May nagbabalik. Ang isa sa mga epal at nagbibigay-inis sa buhay ko, ang aking konsensiya. Tsk!

"Sige na. Tanggapin mo na 'to. Kapag hindi mo ito kinuha, iisipin kong hindi mo ako pinapatawad," pagpupumilit ni Brix.

At dahil mapilit siya at ayaw kong magtampo siya ay kinuha ko ang bulaklak mula sa kanya.

"Nako. Maraming salamat dito," sabi ko habang dinadama ang mabangong amoy ng mga bulaklak.

"Sige, mauuna na ako. Iyan lang naman ang sadya ko dito. Marami pa kasi kaming gagawin na trabaho," paalam ni Brix.

"Ah, gano'n ba?"

"Sabihan mo 'ko kung pupunta ulit kayo sa Manila Ocean Park para mabigyan ko kayo ng discount," saad bigla ni Brix.

"Nako, bakit discount lang? Hindi mo na lang gawing libre," pagbibiro ko.

"Libre kung mag-isa ka lang," sagot ni Brix. "Hindi, joke lang. Sige, libre na kayong dalawa."

"Naks naman!"

"Sige, alis na 'ko. Bye!"

"Bye! Ingat ka," paalam ko.

Tumango siya bilang sagot at pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas dito sa dressing room ko.

"Madam, bakit mo naman pinagtataksilan si Dr. Eight?" sabi bigla ni Dariel kaya nahinto ako sa pag-amoy sa mga bulaklak.

"Gusto mo sa 'yo na lang 'yong demonay na 'yon!" ismid ko sa kanya.

"Ay, madam. Hindi ako mahilig sa panadero," sagot niya.

"Ako rin," sagot ko tapos muli kong inamoy ang mga bulaklak.

Dahil sobrang nagustuhan ko ang mga bulaklak na ito ay nadala ko ito hanggang sa restaurant kung saan kami magkikita ngayon ni Eight.

"Sinong nagbigay ng mga bulaklak na 'yan?" madiing tanong ni Eight nang matapos kaming kumain. "Galing ba 'yan sa lalaki?"

"Eh ano naman ngayon sa 'yo?" pagtataray ko.

"Sabihin mo, kanino galing?" singhal niya.

"Eh kahit ano namang sabihin ko, alam kong magiging makitid 'yang utak mo," pasaring ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon