Adventure #2

797 23 1
                                    

Saan ko kaya naiwan ang wallet ko? Nakakaasar naman. Ang tanga-tanga ko talaga. Kainis. Nandoon pa naman lahat ng pera ko. Kapag hindi ko na iyon nakita pa ay tiyak na mamatay kami ni Pucholo sa sobrang gutom. Haaay.

Tumingin-tingin ako sa daan upang magbaka-sakaling nalaglag ko lamang iyon at wala pang nakapulot. Ngunit sa kasawian-palad ay hindi ko nakita ang wallet ko sa mga lugar na dinaanan ko kanina. Ang huling pag-asa ko na lang ay itong pharmacy. Sana lang talaga ay dito ko naiwan ang wallet ko.

"Ah, Miss. May naiwan po bang wallet dito?" pagtatanong ko dito sa tindera ng gamot na binilhan ko kanina.

"Mukhang sobrang nagmamadali po kayo, Ma'am? Mayroon nga po," sagot niya.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya ay biglang bumuti ang pakiramdam ko at agad akong nakahinga nang maayos. Feeling ko ay nabunutan ako ng isang malaking tinik na bumara sa lalamunan ko. Haaay. Salamat at mabubuhay pa kami ng kapatid ko.

"Ito po, Ma'am," sabi pa ng tindera sabay abot ng wallet ko at isang lata ng Coke. Teka, bakit may kasama itong Coke?

"Ay, teka Miss. Kasama po ba ng wallet ko itong Coke?" tanong ko ulit sa kanya.

"Opo. Parehas ninyo po 'yang naiwan," mabilis niyang sagot.

Shemay! Edi ibig sabihin, ang Coke na inagaw at ininom ko kanina ay hindi sa akin at sa lalaking iyon talaga? Shiz! Nakakahiya. Nang-agaw ako ng inumin na hindi naman talaga sa akin. Nakaka-imbyernawariwaps!

[BEKSIONARY: Nakaka-imbyernawariwaps = Nakakainis]

"Sige Miss, una na 'ko. Maraming salamat!" sabi ko na lang sa tindera at tuluyang na akong lumabas dito sa pharmacy.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pukpukin ang ulo ko nang husto. Haaay. Ang engot-engot ko talaga. Nakakainis na itong kabobohan ko. Bakit ko ba naisip na magnanakaw ang ganoong kagwapong hitsura? At saka bakit nga ba niya nanakawin ang softdrinks ko gayong hindi naman siya mukhang naghihikahos sa pera? Parang nakaka-LL nga siya sa buhay. Ay! Nakakahiya tuloy doon kay pogi. Ano na lang kaya ang iniisip niya sa akin ngayon? Shiz! Nakakalurkey.

[BEKSIONARY: *Nakaka-LL = Nakakaluwag-luwag / *Nakakalurkey = Nakakaloka]

Pagkarating ko sa mental hospital ay agad ko ding ibinigay kay Dra. Lara, doktor ni mama, ang mga gamot na inireseta niya sa akin. Tapos ay dali-dali din akong bumalik sa parlor para tapusin ang oras ng trabaho ko.

Maraming oras ang lumipas. 6pm ay natapos na ang duty ko sa parlor kaya bumalik na akong muli sa ospital para bisitahin at alagaan ang mahal kong ina.

"Marian Rivera, nasa'n ka na? Nagugutom na 'ko!" sigaw ni mama sa akin.

Nako! Masanay na kayo sa mama ko dahil ganyan na talaga siya. Kung sino-sinong sexy at magagandang artista ang inihahalintulad niya sa akin kahit na ang layo-layo naman talaga ng mga mukha nila sa akin. Kahit nga sa mga libag nila ako ikumpara ay pihadong wala akong binatbat.

"Pero kakakain mo lang mama," sagot ko sa kanya.

"Eh nagugutom pa 'ko. Pakainin mo na 'ko, Sam Pinto. Sige na, please!" pagpupumilit niya.

"Mama, hindi pwedeng sumobra ang pagkain mo. Pagagalitan ako ni Dra. Lara," paliwanag ko.

"Sige na, Angel Locsin. Pakainin mo pa 'ko. Nagugutom pa 'ko, eh. Please!" pagmamakaawa sa akin ni mama na parang bata. Eh sino ba namang anak ang makakatanggi sa mahal niyang ina?

"Okay, sige. Ma, ganito na lang. Bibili na lang ako ng prutas tapos 'yon na lang kainin mo, okay po ba?"

"Sige, sige. Gusto ko 'yan," pagsang-ayon niya habang pumapalakpak pa na parang bata.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now