Adventure #17

314 15 5
                                    

"Uwaaa!"

Ito ang napakalakas na sigaw ko nang makita ko si Tyrone my loves paglingon ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako sumigaw? Wala lang. Trip ko lang sumigaw. Hahaha! Echos.

Bukod sa takot na akala ko kung sino na ang sumusunod sa akin ay napasigaw din ako dahil may hawak siyang isang pirasong rosas na kulay pula. Feeling ko ay para sa akin iyong flower na hawak niya kaya sumigaw ako. Bwahaha!

"Oh, bakit ka sumisigaw?" tanong niya.

"Eh kasi tinakot mo 'ko! Akala ko kung sino nang masamang loob ang sumusunod sa akin," sagot ko.

"Oh, I'm so sorry! I didn't mean to make you feel that way. Hindi lang kasi kita matawag sa pangalan mo dahil gabi na, marami na ang natutulog. Kaya sumitsit na lang ako. Hindi ko naman inaasahang matatakot ka. Sorry ulit!" paliwanag niya.

Shemay! Ang cute niya talaga kapag ngumingiti.

"Siya nga pala, bakit nandito ka pa sa labas? Gabing-gabi na. At saka malamig pa," alalang sabi ni Tyrone sa akin.

"Eh kasi pupunta ako sa pharmacy. May sakit kasi si Pucholo kaya kailangang mapainom ng gamot para hindi na lumala pa," sagot ko.

"Sino si Pucholo?" tanong niya.

"Ah, younger brother ko!" sagot ko.

"Ah, okay. Gusto mo dalhin na lang natin siya sa hospital?" pag-aalok ni Tyrone.

"Ay, nako! Hindi na. Sinat lang naman 'yon eh. Kapag napainom na siya ng gamot ay tiyak na magiging okay din siya," paliwanag ko.

"Ah, gano'n ba? Sige, samahan na lang kita sa pharmacy," sabi niya.

"Hah? Ay, nako! 'Wag na. Ayaw ko namang abalahin ka pa," pagtanggi ko.

"Sige na, sasamahan na kita. Baka mamaya kung ano pang mangyari sa 'yo," pagpupumilit niya.

"Ah, eh... nakakahiya naman kasi," wika ko.

"Ano ka ba? 'Wag ka nang mahiya," sabi niya tapos ay tinap niya ang ulo ko.

Hindi na ako nakatanggi pa kaya naman naglakad na kami papuntang pharmacy and 7-11.

Habang naglalakad ay napansin kong tinanggal niya iyong jacket niya. Hindi nagtagal ay bigla niya itong isinuot sa akin dahilan para kiligin ako nang husto.

"Hoy! Ano 'yang ginagawa mo?!" tanong ko.

"Tingnan mo kaya 'yang suot mo, napakanipis samantalang ang lamig-lamig. Baka mamaya, ikaw naman ang magkasakit," sagot niya.

Emegesh! Concern talaga siya sa akin. Uwaaa! Kilig much naman ako.

"Eh kasi patulog na 'ko nang magsabi si Pucholo na masakit ang ulo niya kaya naman hindi na 'ko nakapagpalit ng damit," paliwanag ko.

"Pero sana man lang maghanap ka ng maipapatong sa damit mo," sagot niya.

"Eh ikaw, bakit ka nga pala napadaan dito? Saan ka ba pupunta?" pag-iiba ko.

"Ah, oo nga pala. Papunta ako sa inyo. Para nga pala sa 'yo ito," sabi niya sabay abot sa aking ng bulaklak na hawak niya.

Uwaaa! Para sa akin pala talaga iyong bulaklak na hawak niya. Emegesh. Nakakakilig.

"Ah, salamat! Nako, nag-abala ka pa," sabi ko saka ko tinanggap iyong flower.

Uwaaa! Ang sarap namang amuyin nitong red rose na ito. Nakakakilig! Ang sarap pala sa feeling na mabigyan ka ng bulaklak, 'no? Oo, tama kayo. This is the first time na makatanggap ako ng isang bulaklak mula sa isang lalaki. Pero para sa akin ay hindi siya ordinaryong lalaki lang dahil he's my special someone kaya super nakakakilig talaga. Kyaaa! Kanina pangarap ko lang na mapunta sa akin iyong flower na hawak niya pero ngayon, ito na nga. Hawak-hawak at amoy-amoy ko na. Emegesh!

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now