SEASON 1 FINALE: Maldita Exposed!

528 18 4
                                    

< Lorene's Point of View >

Calling...
Boyfie

Wow! Ang aga namang tumawag nitong boyfie ko. Bakit kaya?

"Good morning, boyfie!" sabi ko pagkasagot ko ng tawag niya.

"Good morning babes! May surprise ako sa 'yo," sagot ni boyfie sa kabilang linya.

May surprise daw siya sa akin. Wow! I really like surprises. I wonder kung ano naman kaya iyon?

"Really?! What is it?" tanong ko na may halong excitement.

"Hindi ba, gusto mong mag-artista at sumikat?"

"Yeah!" sagot ko.

"Matutupad na 'yon, babes," sambit niya.

"Really? But how? Alam mo namang wala akong talent. Ganda lang ang mayro'n ako," pagdududa ko.

"I know. Pero may solusyon na ako diyan. Ang kailangan mo lang gawin ay mapapayag na mag-audition si Sunshine sa FlyHigh Records."

"What?! You mean that ugly Sunshine? No Way! I don't want to waste my time to that freakin' ugly creature!" madiing saad ko.

"Please, this is our last chance. Your last chance, I mean! So please do it," pagmamakaawa niya.

"No! I don't want," pagmamatigas ko.

"Okay. Akala ko pa naman ay sisikat na ang mahal ko," nanlulumong sabi ni boyfie.

Ugh! Dinadramahan na naman niya ako gayong alam niyang hindi ko siya kayang tanggihan.

"Okay, fine! Payag na 'ko. I'll do it for you," sabi ko makalipas ang ilang sandali.

"Talaga?!" gulat niyang tanong.

Okay. Hindi naman halatang naging maligaya siya, ano? Tsss!

"Oo! Sumaya ka lang," sagot ko.

"Nope! Ikaw babe, ikaw ang sasaya dito sa plano ko," sabi naman niya.

"Siguraduhin mo lang, ha?"

"Yes, babes! So, gawin mo na agad ang plano, okay? Para na rin mas mapabilis ang pagsikat mo," pangungumbinse niya.

"Oo na, oo na!" sabi ko na lang.

"Bye, babes!"

"Bye, boyfie!" sagot ko then I ended our conversation.

Matapos akong tawagan ng boyfriend ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pinuntahan ko na agad si Sunshine na mukhang animal. Asar! Ang aga-aga nasa langsangan na ako at parang tangang nag-iisip ng paraan kung paano ko mapapapayag magpa-audition sa FlyHigh Records ang bisugong baklitang Sunshine na iyon. Nakakainis! Argh!

Well, kagaya nga ng sinabi ni boyfriend ay ako rin naman ang makikinabang sa kanya kaya dapat lang na mag-effort ako. Eww? I hate the fact na mag-eeffort ako para lang sa impaktang iyon. Pweh!

And here I am, nasa tapat ng parlor nila. Papasok na sana ako sa loob ng parlor nila para magkunwaring customer pero biglang lumalabas si peste, ay este si Sunshine pala kaya bigla akong napaupo. Mabuti na lang at natatakpan ako nitong basurahan na ito kaya hindi niya ako nakita. Yuck! Ang bantot naman here. Eww!

Sinundan ko lang itong tikbalang na ito hanggang sa pumasok siya sa loob ng isang mall. Aba! Nagma-mall din pala ang mga engkanto?

Habang bumibili siya ay biglang may ideang pumasok sa isip. Mukhang maganda itong planong naisip ko. Masubukan nga. Hahaha! Mabuti na lang talaga, maganda at matalino ako kahit wala akong talent.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum