Adventure #33

80 9 5
                                    

< Princess' Point of View >

Nasa harapan ko ngayon ang buong FlyHigh Team upang magsagawa ng isang pagpupulong. Lahat sila ay tahimik, gulat at malungkot. Eh sino nga bang matutuwa gayong ang tanging pag-asa nila para umunlad ay hindi nila inaasahang kakalabanin na sila ngayon?

Sa totoo lang, wala akong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman nila ngayon dahil masaya akong nagbalik na ang best friend ko. She's finally back at iyon ang pinaka-importante sa lahat.

Ngunit hindi ko itatanggi na may kaunting pagdududa o may kaunting mga tanong ngayon sa isip ko. Nakapagtataka lang kasi umayos na ang hitsura ni Beks. Maganda na siya ngayon hindi katulad dati na nakasusulasok ang pagmumukha niya. Iyong tipong mas nakakadiri pa ang hitsura niya kaysa sa naaagnas na bangkay. Hahaha! But seriously, naniniwala at naninindigan talaga ako na siya iyon kasi her name is Sunshine. Second, they have the same height. And third, their voices were both amusing. Pero nakakapagtaka kasi may boobs and butt na siya hindi kagaya dati mas matambok pa ang pimples niya kaysa sa pwetan niya. Haaay! Ewan, ang gulo.

"Huh! Napaka-desperada niya talaga," sabi ni Lorene kaya napatingin sa kanya ang lahat ng tao sa room na ito. "Ang kapal ng mukha! Nagparetoke pa talaga siya para gumanda siya. As if naman na gumanda siya talaga. Hahaha! Nakakaawa."

Hindi ko napigilan ang pagkulo ng dugo ko nang marinig ko ang naging pahayag niya. Ngayong nagbalik na ang best friend ko ay hindi na ako papayag pa na apihin siya ng ibang tao.

"Talaga ba? Eh sino kayang mas nakakaawa sa inyo ngayon? Siya na sikat o ikaw na laos?" pang-aasar ko kay Lorene.

"Hoy, ikaw Venus Flytrap! Itikom mo nga 'yang napakalaking bibig..."

"Shut up the two of you! I need a good suggestion and not a noise!" sigaw ni Boss Mark kaya natigil kaming dalawa.

Tinarayan niya ako kaya naman tinarayan ko din siya pabalik. Bwisit na bruhang ito. Akala mo kung sinong maganda ang boses, faker naman. Pweh!

Wala. Apat na oras lang kaming nanahimik at nagtitigan sa room na iyon. Pansin ko nga na ako lang ang masaya nang sandaling iyon pero syempre ay hindi ko ito pinahalata dahil baka mapagalitan pa ako, mahirap na.

Pagkatapos ng walang kwentang meeting na iyon ay dali-dali akong lumabas ng FlyHigh building at agad na nagtungo sa isang mall kung saan may fan signing ang best friend ko.

Pagdating ko sa mall ay nagulat ako sa sobrang haba ng pila at sobrang dami ng tao. Hindi ko inakalang ganito karami ang magiging supporters niya ngayon to think na lagi siyang inaapi dati.

Gayunpaman, hindi ko na inalintana ang gitgitan ng mga tao at pumila na lamang ako upang makadaupang-palad ang best friend ko. Nagtiis ako sa siksikan, ingay at sa init ng paligid. Medyo naiiyak din ako dahil alam kong dream come true itong ganitong dami ng fans para sa best friend ko. Tapos iyong gusto niya pang record label ang nagma-manage sa kanya ngayon. Masaya ako sa puntong ito dahil alam kong masaya ngayon ang matalik kong kaibigan.

Pagkalipas ng napakaraming oras ay dumating na rin iyong turn ko para papirmahan itong binili kong CD kay Beks. Hindi pa rin ako makapaniwalang maganda na siya ngayon. Pimple free na ang mukha niya, makinis at talaga namang napaka-puti.

"Beks, na-miss kita! Papirma naman ako nito!" sigaw ko kaya napatingin sa akin si Sunshine.

Bigla namang natihimik ang lahat matapos kong sabihin iyon. Pinagtinginan nila ako kaya nahiya ako nang kaunti.

"Best friend, ano ka ba? Ako ito, si Princess!" sabi ko pa pero katahimikan pa rin ang sinagot nilang lahat sa akin.

Bigla namang kinuha sa akin ni beks ang CD na hawak ko, pinirmahan niya at pagkatapos niyon ay saka siya sumagot.

"My name is Sunshine and I don't have any best friend," kalmado niyang sinabi sabay ngiti kaya naman pinagtawanan at pinagbulungan naman ako ng napakaraming tao doon.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ipapahiya niya ako nang ganoon.

"Ah, miss. Alis na po tayo sa pila. Nakakasagabal na po tayo," sabi naman nitong assistant niya yata sabay alalay sa akin paalis ng pila.

Tulala pa rin ako nang sandaling iyon, hindi pa rin ako makapaniwalang nasabi iyon ni Sunshine sa harap ko. Nagugulumihanan pa rin ang isip ko. Bakit niya sasabihin sa akin iyon gayong siya pa nga ang nagsabi sa akin dati na ako lang ang best friend niya? Natatandaan ko pa ngang nag-pinky promise kaming dalawa kaya hindi talaga ako makapaniwalang nasabi niya iyon. Kilalang-kilala ko ang best friend ko at alam kong hinding-hindi niya ako kayang sabihan at ipahiya nang ganoon sa harap ng napakaraming tao. Parang may mali dito, parang may kakaiba sa kanya. Parang nag-iba na siya at nahihimigan kong hindi ko magugustuhan ito kung tama itong hinala kong hindi lang hitsura ang nagbago sa kanya, kung hindi pati ang napakabuting kalooban niya. Ugh!

///////////////////////////////

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
Owned and written by EsonVitug
Season 4 ⓒ 2016 All Rights Reserved.
http://www.facebook.com/EsonVitug

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineWhere stories live. Discover now