Secret Nights - 41

Start from the beginning
                                    




            Napabuga ako ng hangin at saka wala sa sariling nagsulat sa buhangin gamit ang stick na hawak ko.




            Nasa ganoon akong pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Tatay Carding at Nanay Julie na nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Mabilis na tumayo ako at lumapit sa mag-asawang pinagkakautangan ko ng buhay ko.




            "Napasyal po kayo, 'Nay, 'Tay?" Sa may Baybay pa kasi nakatira ang mag-asawa. na halos kalahating oras lang naman ang layo sa VISCA.




            Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago muling tumingin sa 'kin. "May sasabihin sana kami sa 'yo, Zeke."




            Bahagya pa akong nagtaka sa kaseryusohan nila. "Gusto niyo po ay doon po muna tayo sa tinutuluyan ko? Doon na po natin pag-usapan ang sasabihin ninyo para maipaghanda ko man lang po kayo ng snack."




            Sabay na tumango ang mag-asawa kaya sabay sabay na kaming pumunta sa unit ko. Sa verandah na lang daw kami mag-uusap usap kaya tumuloy ako sa loob para maghanda ng maaari kong idulot sa kanila samantalang naupo naman sa upuang gawa sa mahogany ang mag-asawa.




            Habang nagtitimpla ng juice ay iniisip ko kung ano ang sasabihin nila at talagang sinadya pa nila ako dito sa VISCA. Usually naman ay pumupunta ako sa bahay nila tuwing Sabado para kamustahin sila.




            Pagbalik ko verandah ay may nakapatong ng brown envelope sa ibabaw ng mesa. Nagkunwari akong hindi ko nakita ang envelope kahit ang totoo'y atat na atat na akong buksan iyon para malaman kung ano ang nilalaman nun.




            I can feel that what's inside the envelope is for me.




            At hindi nga ako nagkamali. Matapos ang maikling kamustahan ay inabot sa akin ni Nanay Julie ang brown envelope na noon ko lang napansin na nakabukas na pala sa gilid. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko 'yon na tila ba doon nakasalalay ang buhay ko.




            "Dumating 'yan kahapon sa bahay. Sulat 'yan galing sa doctor na sumuri sa 'yo sa Cebu," panimula ni Nanay Julie.




            Yes, naalala kong dinala nga nila ako sa Cebu noong malakas-lakas na ako at nasa kalagitnaan na ng therapy program ko. Matagal rin kaming naghintay sa hospital na 'yon. At natatandaan ko pa ngang nagkakagulo noon dahil may isang pasyente mula sa psychiatric ward na nanaksak ng nurse gamit ang tinidor.




            "Ano po ang laman ng sulat?" tanong ko. Alam ko naman kasing nabasa na nila ang laman n'on.




            Tumingin muna si Nanay Julie kay Tatay Carding at tumango naman ang matandang lalaki sa esposa niya na parang nagsasabi ng; Go ahead and tell him the news.




            Muling bumaling sa akin si Nanay Julie at nakita kong nangingilid ang luha sa mata niya.




            Biglang kumabog ang dibdib ko. Malala na ba ang kondisyon ko? Mamamatay na ba ako any moment from now?




            "Wala kang brain tumor, Zeke," sabi ni Nanay Julie nang sa wakas ay tumigil siya sa pag-iyak.




            "Po?" Tama nga ba ang narinig ko?




            Bagama't bahagya pa ring naluluha ay hinawakan ni Nanay Julie ang kamay ko at saka ngumiti sa 'kin. "Wala kang brain tumor," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.




            "Paano po nangyari 'yon?" nagtatakang tanong ko habang nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko dahil sa sobrang tuwa.




            "Nagkamali ng papel na binigay ang nurse na nag a-assist kay Dr. Tamayo that time. 'Yong diagnosis na binasa niya sa atin ay para pala sa ibang pasyente at hindi para sa 'yo. Humingi siya ng paumanhin dahil sa naging pagkukulang niya bilang doktor. Inamin rin ng nurse na nag-assist kay Doctor Tamayo na nataranta siya dahil kaibigan pala niya 'yong nurse na muntik nang mapatay ng pasyenteng nagwawala that time."




            Marami pang sinabi ang mag-asawa sa akin. Pero isang bagay lang ang tumimo sa isip ko. Wala akong sakit. Wala akong tumor sa utak. I'm not going to die. Not yet.




            At siguro, ito na 'yong second chance na hinihiling ko gabi-gabi simula nang bumalik lang alaala ko. A second chance to live. And a second chance to love Amber.





THIS STORY IS NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM FOR ONLY 150 PESOS. PLEASE DO GRAB A COPY. THANK YOU.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now