2. Who Is He?

435 23 1
                                    

Kassandra's POV

"Gwapo din naman si Reggie, kaso walang kilig kasi.. siguro, as Kuya lang dahil medyo ahead siya sa'tin at tinawag mo siyang Kuya." Seryosong sabi sa'min ni Cristine habang kumakain kami.

Matapos kaming kumain ay naglakad kami papuntang room. Pero ang saya naman, nasalubong namin si Ate Mykee. Kasama ang mga classmate niya. "Ate Mykee!!" Bati ko. Lumapit agad ako sa kaniya.

"Hi, KC! Namiss kita." Nagyakap kami. "Oh may bago kang katropa ah." Tumingin siya kay Cristine.

Alam niya kung sino ang bago kong katropa kasi mula first year ay kilala na niya ako. And alam niyang transferee si Cristine. "Ate Mykee, ang ganda no?!" Sabi ni Rachel at tinuro ni si Cristine.

"Maganda nga." Masayang sagot naman ni Ate Mykee.

"Teka, ipapakilala ko sa'yo si CJ Ate." Sabi ko.

"CJ? Wow ang cool ah." Sabi uli ni Ate Mykee.

Nagsalita si Cristine. "Ah kasi hindi naman--"

"CJ siya kasi Cristine Jane. CJ ang napili niyang nick name." Agaw ko. Tumingin sa'kin si Cristine.

"Ah baka mas gusto niya ang name na pang lalaki kasi baka..." Hindi tinapos ni Ate Mykee 'yung sasabihin niya. "Sige, canteen lang kami." Dagdag niya. "Nice meeting you CJ!" Kumaway siya at nginitian kami.

"Nice meeting you too, Ate." Habol ni Cristine pero parang hindi maayos ang ngiti niya. Natawa ako. Kilalang kilala ko kasi si Ate Mykee. Mahilig siya sa magaganda na medyo tibo. Gusto kong isipin niyang mahilig din sa magaganda si Cristine para magkasundo sila.

Hmmm. Hindi kaya ang pangit ng trip ko? "Ikaw naman KC eh. Baka isipin niya tomboy ako." Medyo dismayado niyang reklamo sa'kin. 'Di ba? Close na agad kami.

"Hayaan mo na." Sagot ko na lang. "Sikat siya. Magaling kasi siyang mag-volleyball."

Maraming bumabati sa'kin at binabati ko kasi halos lahat yata ng third year, kilala ko na. Bukod pa 'yung sa ibang year na kakilala ko. Hindi ako nahihiyang kilalanin sila. Kaya marami akong kaibigan. "Sikat ka din naman ah. Maraming nakakakilala sa'yo." Sabi ni Cristine.

"Dito lang sa shcool 'yun kasi tignan mo naman, konti lang ang section." Sabi ni Rachel.

"Oo at si Ate Mykee, sikat sa ibang school." Dagdag ko.

Napaisip siya. "Actually, na starstruck ako sa kaniya kasi isa siya sa gusto kong makita."

"Talaga?" Nagtaka ako. "Kilala mo siya?"

"Oo naman. Ikaw na ang nagsabi na sikat siya. Kilala siya ng mga classmate ko sa dati kong school."

"Saan ka ba galing na school." Tanong ni Rachel kaya nag-abang ako ng sagot.

"Sa Santa Barbara ako. Sikat siya dahil sa Stcaa. Ngayong biglaan ang paglipat namin ng bahay, dito ako sa school na 'to tinanggap dahil puno na sa iba."

Napatango na lang kami. So, nababalitaan niya pala ang ginanap na Stcaa last February. Buti na lang late na siya nag-enroll kaya nakilala namin siya. "Marami kang kilala? Kilala mo si Markie?" Tanong ko. Excited ako.

"Wala akong hilig sa sports." Pumasok kami sa loob ng room.

So, nagkwentuhan pa kami. Sikat pala sa school nila ang Volleyball kaya walang masyadong balita sa Basketball. Sayang naman. Kaya pala hindi din niya kilala si Kuya Reggie. Hanggang mag-uwian na. Magkapareho lang pala ang sasakyan naming jeep ni Cristine kaya sumabay na siya sa'min ni Rachel. 'Yun nga lang, mauuna kaming bababa. Pero masaya 'to kasi perfect ang tandem naming tatlo. Bestfriend ko si Rachel mula first year highschool. Dalawa lang kami pero ngayong aksidenteng naging tatlo kami, magiging mas masaya. Hindi ko nga lang alam kung sa'min sasama si Cristine pag-tumagal. Nakita ko si Kuya ko. 4th year highschool siya. "Kuya! Umuwi ka ah. Baka gumala ka pa. Pati ako mapapagalitan sa'yo!" Hindi niya ako pinansin. Sanay na ako sa kaniya.

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now